Sunday , December 22 2024

Ang Kalayaan sa Pamamahayag

MARIING kinokondena ng Usaping Bayan ang lumalabas na pagtatangka ng mga nasa poder na patayin ang kalayaan sa pamamahayag sa pa­mamagitan ng kung tawagin noon ni dating Senador Rodolfo Biazon ay legal gobbledegook.

Wala sa loob ng vacuum ang pamamahayag kaya dapat nating maunawaan ang konteksto ng desisyon ng Security and Exchange Commission (SEC) na tanggalan ng rehistro ang Rappler, isang internet based news media entity.

Una, bagamat hindi masama ay kagulat-gulat na sa loob lamang ng limang buwan nadesisyonan ang kaso ng Rappler, halatang minadali.

Pangalawa ay may mga ulat na lumabas na hindi umano binigyan ng pagkakataon ng SEC ang Rappler na sagutin ang mga akusasyon kaya lumalabas na parang niluto ang lahat.

Pangatlo, matatandaan na naging mainit ang mga nasa poder laban sa Rappler dahil sa mga kritikal nitong ulat laban sa kanila at simula nang tukuyin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address nitong 2016, ay walang sabi-sabing kumilos ang SEC upang isara ang Rappler. Malinaw pa sa sikat ng Haring Araw ang motibo kung bakit ibig nilang ipasara ito.

Malinaw sa tinuran sa itaas na ginagamitan ng mga legalidad ang sinasabing umano’y kakulangan ng Rappler upang maipasara ito.

“The SEC may be right in its decision but defi­nitely it is not correct. Protect Press Freedom”

***

Ang pagpapasara o pagkontrol sa mga kritikal na media entities ay bahagi ng kilos ng mga kaaway ng demokrasya lalo na ng mga pasistang puwersa upang tuluyang makontrol ang renda ng estado. Kaya dapat tayong maging mapagmatyag sa mga ganitong kilos ng mga nasa po­der.

Huwag natin kalilimutan na ang kalayaan sa pamamahayag ay nakamit at tinatamasa natin ngayon dahil sa sakripisyo, dugo, pawis at luha ng mga nauna sa atin sa panahon ng diktadurang Marcos.

***

Ang kalayaan sa pamamahayag ay haligi ng isang malaya at makatarungang lipunan. Kung wala ito ay tiyak na mamamayagpag ang pang-aabuso ng mga nasa poder sa atin at sa kalikasan.

***

Mga bulok at mausok na sasakyan ;di na puwede sa mga lansangan ng Kalakhang Maynila. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Ma­lapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *