NAGREREKLAMO ang ilang mga residente ng Olopsville sa Brgy. Gulod Malaya, San Mateo Rizal kaugnay sa kawalan ng aksiyon ng mga kinauukulan upang maresolba ang problema sa naturang lugar.
Base sa sumbong, matagal na panahon nang hindi nareresolba ang problema ng “right of way” at obstruction sa naturang subdivision dahil walang maayos na liderato ang “Homeowners” sa naturang lugar.
Kumbaga, non-existing na ang pamunuan ng nabanggit na subdivision kaya’t walang umaayos sa problema ng mga residente.
Gaya na lang ng isang insidente na may dumulog na isang residente sa barangay na pinamumunuan ni Chairman Rodolfo Canoy dahil sa problema sa “right of way” makaraang gawing paradahan ng apat na sasakyan ang kanilang harapan sa Blk 2 Lot 1 St. John St., Olopsville, San Mateo Rizal ay mukhang nganga lang si Kapitan?!
Sinubukan pang kapanayamin ng isang bulabog boy natin si kupitan ‘este Kapitan pero sa telepono lang nagpaunlak pero mukhang pambobola at OPM ang sinabi na aaksiyonan ang problema ng Pamilya Bacud.
Matagal nang residente sa naturang address ang pamilya Bacud at kapitbahay nila si Architect Ramon de Guzman na tatlong bahay ang pagitan sa kanila na ginawang parkingan ng mga sasakyan nila.
Anak ng tungaw naman!
Napilitan tuloy lumipat sa ibang bahay sa loob rin ng subdivision ang pamilya Bacud dahil sa pang-aabuso ng naturang Architect.
Mantakin n’yo, tanging mga sasakyan ni Arch. De Guzman ang nakaparada sa harapan ng bahay nina Bacud at hindi pa nakontento, nagtayo pa ng kubol para sa mga sasakyan n’ya?!
At hindi lang normal na kubol kundi malaki’t mahabang kubol na gawa sa bakal at yero na?!
Kaya sa buwisit ng pamilya Bacud ay minabuti nila na lumipat at ibenta na lang ang bahay nila pero ang masaklap ay ilang buyer ang umayaw sa kanilang bahay dahil nga sa prehuwisyong paradahan ng sasakyan ni Architect sa harap ng bahay ng mga Bacud.
Nakapagtataka lang kung bakit parang bahag ang buntot ni Brgy. Chairman Canoy sa isyung ito at hindi niya kayang resolbahin ang problema ng pamilya Bacud?!
Wattafak!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap