Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakaburol na bangkay natupok sa sunog (Sa Baguio City)

NATUPOK ang 10 bahay gayondin ang ibinuburol na isang bangkay sa naganap na sunog sa Baguio City, nitong Lunes.

Salaysay ng nasunugan na si Faye Carreon, sa Huwebes nakatakdang ilibing ng kanilang pamilya ang namayapa niyang asawa.

Hinihintay lang aniya nilang makauwi ang anak na galing Japan, ngunit wala nang aabutang lamay makaraan matupok ang labi ng kanilang padre de familia.

“Naamoy na lang namin na may nasusunog na plastic, tapos nakita na lang po namin na nasu-sunog na ‘yung bahay ng kapitbahay. Kinatok ko na po lahat ng pintuan nila para makalabas, pero di na po namin nailabas ‘yung asawa ko,” sabi ni Carreon.

Umabot sa 12 pamilya ang apektado ng sunog na hindi pa batid kung ano ang sanhi ngunit walang nasaktan sa insidente.

(ROWENA MARQUEZ)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rowena Marquez

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …