Sunday , December 29 2024

Tiwala ng Pinoy sa PCSO, 94.98%

NASA 94.98% ang customer satisfaction rating ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at inaasahang sisirit pa ito sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang resulta ng survey ay isinagawa noong 2016, ito’y mula sa 86.51% noong 2015.

Naupong pangulo si Duterte noong Hunyo 2016.

“Naniniwala kami na mas lumakas pa ang kumpiyansa at tiwala ng mamamayan sa PCSO sa taong 2017 dahil napakalaki ang mga pagbabagong nangyari bunsod na rin ng mantra ng Pangulo na palawakin at pasiglahin ang paglikom ng pondo para sa libreng medical services ng gobyerno para sa mamamayan lalong-lalo na sa kapus-palad nating mga kababayan,” ito ang taas-noong sinabi ni PCSO General Manager Alexander Ferrer Balutan.

Dahil sa kinita ng PCSO na P52.9 bilyon sa 2017, lomobo din ng todo ang bilang ng nabenepisyuhang mamamayan dahil sa paglago ng pondo lalo na para sa Individual Medical Assistance Program (IMAP) ng ahensiya. Ito ang pinipilahan araw-araw ng mga pasyenteng may sakit sa bato, kanser, at iba pang karamdaman para sa kanilang gamot, operasyon at ospitalisasyon.

“Sa PCSO panalo ang mamamayan at asahan niyo po na mas lalong pagbubutihin pa natin ang serbisyong kawanggawa,” ani Balutan.

Ang Board of Directors ng PCSO ay nasa pamumuno ni Chairman Jose Jorge Elizalde Corpuz.

Sa record, ang Development Academy of the Philippines (DAP) ang pinakiusapan ng PCSO upang isagawa ang survey noong 2015 alinsunod sa Republic Act 9485, o ang tinatawag na Anti-Red Tape Act of 2007. Ang batas ay naglalayong iangat ang paghahatid serbisyo at kalidad ng lahat ng tanggapan ng gobyerno.

Sa Enero-Disyembre 2015 survey, 430 na customer ang kinunan ng kanilang reaksyon sa IMAP na ang resulta ay 4.05 o nasa kategoryang satisfactory. Isinagawa ito 11 tanggapan ng PCSO sa bansa.

Ang survey ay nagsilbing gabay din para isali sa sumunod na survey and reaksyon naman ng mga nananalo mga produktong Lotto, Keno, Sweepstakes at STL.

“Medyo atat na kami sa survey result ng 2017 na isinagawa mula Enero hanggang Hunyo,” ani Balutan.

Sakop ng survey ang PCSO Main Office na nasa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City, Lung Center of the Philippines at 9 PCSO branch. Tinutukan sa survey ang IMAP lalong-lalo ang mga walk-in na mga nanalo sa Lotto, Keno at Sweepstakes at benepisyaryo tulong-medikal.

Ang survey ay sa mga walk-in lamang para siguro na merong harapan ang interview.

Sinabi ni Balutan na kaabang-abang kung ano naman ang resulta ng 2016 survey ng DAP.

“Kumpiyansa tayo na may umangat pa ang rating. Hintayin po natin ang paglabas nito nitong unang yugto ng taon,” ani Balutan.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *