Sunday , December 29 2024

P52.9B, record high ng PCSO

TUMABO sa P52,986,520,391 ang kabuuang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula sa mga lottery game nito sa taong 2017 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Record high po ito sa kasaysayan ng PCSO,” ang nagkakaisang sambit nina General Manager Alexander Ferrer Balutan at Chairman Jose Jorge Elizalde Corpuz.

PCSO General Manager Alexander F. Balutan (kaliwa) at PCSO Chairman Jose Jorge E. Corpuz (kanan)

Sa kinitang P5.9b, nakapagbigay ang PCSO ng buwis sa gobyerno sa halagang P7,797,931,023.61.

Bukod dito, nag-remit din ang PCSO ng halagang P903,279,789.91 sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa pagkakautang ng mga nakaraang administrasyon.

Si Balutan ay retiradong heneral ng Philippine Marine Corps (PMC) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Matikas” Class 1983, habang si Corpuz ay retiradong heneral ng Philippine National Police (PNP) at kasapi ng PMA “Sandigan” Class ’82.

Kasama ang dalawa sa mga pinagkakatiwalaang retiradong heneral ng Pangulo mula sa AFP at PNP na kanyang katuwang para linisin ang gobyerno sa katiwalian, korapsyon, droga, at iba pa.

Sila’y itinalaga ng Pangulo noong Setyembre 1, 2016.

P13.4B SA ‘17

“SA TAONG 2017, mas yumabong pa ang PCSO dahil kumita ito ng kabuuang P13,422,313,631. Walang labis, walang kulang po ‘yan. Transparent tayo dahil ito ang panuntunan ng ating Pangulong Duterte,” ani Corpuz.

Ayon naman kay Balutan, ang P52.9b na kita ay napalaking pag-angat sa P39,564,206,760 lamang noong 2016. Sa madali’t sabi, pumalo sa 33.93% ang itinaas ng kita.

Ito’y mula sa Lotto na nakapagpapasok ng P31,858,987,200 kumpara sa P28,770,128,740 noong 2016, tumaas ng 10.74%; Keno (Lotto Express) na may P5,357,611,520 (P4,319,273,200 – 2016), o pagtaas ng 24.04%; Small Town Lottery (STL) sa P15,747,421,671 (P6,462,304,820 – 2016), o pagtaas ng 143.68%; at Sweepstakes sa P22,500,000 (P12,500,000 – 2016), o pagtaas ng 80%.

Ang kinita ng PCSO ay lampas sa itinakdang puwedeng kitahin para sa taong 2017.

Sinabi ni Balutan na pinangarap lamang nila na makakolekta ng P28.5b sa Lotto at P4.9b sa Keno.

“Sa STL, dahil pinarami natin ang Authorized Agent Corporations (AACs) at pinalawak ang erya ng operasyon sa ating bansa ay noong una pinangarap natin na makapagpasulpot ng P27b. Pero sa test-run ng STL ay nakita natin na hanggang P18.3b lang marahil ang mararating,” ani Balutan.

“At nakita naman natin, eto na at pumalo tayo sa P15.7b, short tayo ng P2.5b,” dagdag nito.

PONDO NG PCSO

ANG pondo ng PCSO ay hindi galing sa buwis ng mamamayan sa pamamagitan ng General Appropriations Act (GAA) ng Kongreso.

“Ang pagkakaalam kasi ng nakakarami ay mula sa GAA ang pondo ng PCSO. Hindi po. Ito’y galing sa boluntaryong taya ng mamamayan na tumatangkilik sa mga lottery game ng ahensiya,” paliwanag ni Balutan.

Bagaman hindi galing sa GAA, sinabi ni Balutan na ang ahensiya ay nasa ilalim pa rin ng Department of Budget and Management (DBM) pagdating sa paggamit ng pananalapi at higit sa lahat, sakop ito’y sakop ng auditing ng Commission on Audit (COA).Sa madali’t sabi, nagiging public fund ang napapasulpot ng PCSO.

“Ang PCSO ay nasa ilalim ng Office of the President at may sariling Charter ito, ang Republic Act 1169. Ang brand name ng PCSO ay charity, ibig sabihin, kawanggawa,” paliwanag pa ni Balutan.

Para mas lalong maintidihan ng mamamayan, sinabi ni Balutan na ang pondong nalilikom ng PCSO mula sa sari-sari nitong lottery game ay 55% napupunta sa premyo (prize fund), 15% sa operation fund, at 30% ay otomatikong napupunta sa charity fund.

“Ang pinakamahalaga po dito ay ang mapondohan ng PCSO ang programa ng ating Pangulo para sa libreng gamot at ospitalisasyon ng mga maysakit, pambili ng ambulansiya, tulong pinansyal para sa pagbili ng gamot ng mga ospital na kailangang suportahan lalo na sa mga probinsiya, ilan lamang ‘yan sa mga serbisyong kawanggawa ng PCSO,” ani Balutan.

P60B SA 2018

“Ngayon pa lamang, dahil sa patuloy na paglobo ng kita natin sa nakaraang taon, sinisiguro ko na sa taong ito ay papalo ang kita ng PCSO sa P60b o higit pa,” deklara ni Balutan.

Ayon kay Corpuz, sa taong 2018 magiging katuwang ng PCSO ang bagong talagang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si retired AFP Gen. Eduardo Ano sa kampanya ng Pangulo na gawing jueteng-free, pares-free, masiao-free, at swertres-free ang bansa kapalit ng STL, ang tanging legal numbers game sa bansa.

“Meron nang inisyal na pag-uusap sina Gen. Balutan at Gen. Ano, mag-mistah o classmate naman sila sa PMA hinggil sa mas pinatinding kampanya laban sa lahat ng klase ng illegal numbers game alinsunod sa Executive Order No. 13 o all-out war ng ating Pangulo.  Nag-isyu na rin si Ano na ang illegal gambling ang isa sa kanyang tutuldukan,” ani Corpuz.

PCSO BOARD,
MAS TUMATAG

BILANG chairman ng Board of Directors, sinabi ni Corpuz na mas tumatag pa ito dahil sa pagdating ni Bong Suntay, dating congressman ng Quezon City, at Sandra Cam, mga bagong talaga ng Pangulo sa board.

Ito’y sa gitna ng kaliwa’t-kanang mga akusasyon ni Cam ng umano’y iregularidad habang wala pa naman siyang napapatunayan bilang miyembro ng board.

“Kami’y nagpapasalamat sa pagdating nilang dalawa lalo na si Dir. Suntay na talaga namang agad na nakipag-upuan para alamin at matutunan ng mabilis ang kanyang tungkulin para makatulong at epektibong opisyal ng ahensiya. Nandiyan din si Dir. Marlon Balite na katuwang natin. At siyempre ang ating napakasipag na si GM Balutan. Kung ano man itong ingay na nilikikha ni Dir. Cam ay alam kong malalampasan din natin ito,” ani Corpuz.

Bunsod ng walang puknat na pag-iingay ng direktor, nabigo ang hangad na puwersahin at pagsalitain ang Pangulo hinggil sa isyu at sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Undersecretary Harry Roque,  inihayag ng Pangulo na buo ang tiwala nito sa pamunuan nina Corpuz at Balutan.

“Sinisiguro ko po sa ating Pangulo na susuklian ko ng tapat na paglilingkod ang kanyang tiwala sa atin, kaya nga pinili tayo na maging chief executive officer at general manager ng ahensiya at katuwang natin ang liderato ni Gen. Corpuz sa board na dalhin ang ahensiyang kawanggawa sa tamang paninilbihan sa mamamayan. Eto po tayo, buong tapang na naninilbihan,” ani Balutan.

Pero nitong Biyernes, inihayag ng Palasyo ang resignasyon ni Corpuz dahil sa nararanasan nitong problema sa kalusugan.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *