KUNG namamayagpag ang mga kolorum na van sa illegal terminal sa Plaza Lawton sa Ermita, Maynila, parang sumasalipawpaw naman sa kaligayahan ang bus na Super 5, na may biyaheng Manila-Davao and vice versa.
Ang sabi, kolorum umano ang Super 5. Pero kapag may operation ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), wala man lang makitang nahuhuling Super 5.
Mismong mga empleyado na ng LTFRB ang nakapapansin niyan!
Mahusay ba silang umiwas? O mabilis na nakapagtatago dahil natitimbrehan? O hindi talaga hinuhuli ang Super 5 dahil malilintikan sa isang LTFRB tongpats official ang mga huhuli?
Totoo ba ang napababalitang ang Super 5 ay kilyente ng isang LTFRB official kaya todo-iwas ang mga anti-colorum operatives kapag may nakikita silang Super 5 sa kalsada?!
Wattafak!?
Mantakin ninyo, ilang kilometro ba ang biyahe ng nasabing bus tapos sasakay pa sa barko pero wala man lang naglakas ng loob na hulihin?!
E bakit nga?!
May malaking ‘reptile’ raw na nakabantay sa Super 5. Sino man ang magtatangkang hulihin ang Super 5, ay magmimistulang lamok na hinuli ng dila ng nasabing reptile.
Yuckie!
Grabe ‘yan ha, LTFRB chief, Atty. Martin Delgra III?! By the way, naimbestigahan na ba ninyo kung sino ‘yung manyakol na opisyal ng LTFRB na walang ginawa kundi asuwangin ang mga babae sa opisina nila?!
E ‘yung Region IV-A official na nagpapatayo na ng mansion sa Leyte, alam na rin ba ninyo kung sino?!
Tsk tsk tsk… masyado ‘ata talagang malihim si LTFRB Chair Delgra.
Ano ba ‘yan?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap