Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd nakabuntis lang, makababalik pa rin sa showbiz

SA palagay lang namin, hindi pa handa sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na isapubliko kung ano man ang sitwasyon nila, kaya lahat ng pag-iwas ginagawa. Una, nag-abroad sila. Pagkatapos naman pati si John Lloyd yata umuwi na rin sa Cebu. Obvious namang magkasama sila ng kanyang syotang si Ellen. Hindi lang niya basta syota si Ellen, iyon din ang magiging nanay ng panganay niyang anak.

Marami ang patuloy na tinatakot si John Lloyd, na baka pagkatapos niyan ay wala na siyang babalikang career. Paano mo sasabihing walang babalikang career, eh kung iyong iba nga mas malala pa ang sitwasyong pinasukan nakabalik eh.

Hindi ba makababalik na naman ngayon si JM de Guzman na kung ilang beses na ring nawala dahil nagpa-rehab? Si Mark Anthony Fernandez din, may project nang gagawin matapos ang isang taong pagkakakulong matapos mahulihan ng isang kilong marijuana sa Angeles City. Eh iyong Baron Geisler nga ang dami na ring kapalpakan pero nariyan pa rin. At ang masasabing pinaka-magandang example, si Robin Padilla na mahigit tatlong taon sa medium security prison sa Muntinlupa, nakabalik din. Kaya bakit nga ba sinasabi nilang hindi na makababalik si John Lloyd eh iyon naman ay self imposed vacation, dahil pagod na rin naman siya sa trabaho at kailangan nga niyang asikasuhin ang mga bagay na personal. Hindi siya nasabit sa droga. Hindi siya sabit sa kahit na anong krimen. Sabihin na nating may nabuntis siya, pero sa panahong ito ba naman ay kasiraan pa iyon?

In fact nasa isang kawawang sitwasyon si John Lloyd dahil sa ngayon ay kailangan muna siyang umiwas sa publiko. Palagay namin hindi pa rin naman apektado ang kanyang popularidad pero malaki na ang nawawala sa dapat sanang kinikita niya kung nagtatrabaho siya. Pero gusto niyang magkaroon ng “self time” at karapatan niya iyon, Huwag muna ninyong asarin, hindi makatutulong iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …