Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Husay sa drama nina Sylvia, Arjo at Yves sa “Hanggang Saan” hindi pinalampas ng TV viewers at humamig ng 600K views sa FB

BUMAHA ang luha ng mga manonood sa episode ng Hanggang Saan noong January 12 (Friday) sa eksenang gustong itakas ni Domeng (Yves Flores) ang kanyang nanay Sonya (Sylvia Sanchez) na buo na ang desisyon na susuko sa kaibigang pulis na si Jojo (Rommel Padilla) at aamining siya ang pumatay sa negosyanteng si Edward Lamoste (Eric Quizon).

Maraming napabilib si Yves sa tagpong ‘yung habang sa harap ng kuyang si Paco (Arjo Atayde) ay pinipigilan niya ang ina na huwag sumuko at tatakas sila.

Sa tindi ng eksena ay nag-breakdown si Sylvia at sobrang husay ng performance ng actress, na tuloy-tuloy ang agos ng luha habang nakakapit ang anak na si Yves habang pinoposasan at isinakay sa mobile car.

Agad nag-trending ang nasabing episode. Bukod sa umani ng papuri sa netizens ay umabot sa 11K likes ang video clip nito sa official facebook ng Hanggang Saan at 1.1 K shares at almost 600K na ang views. Pataas nang pataas rin ang ratings nito.

Napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ang Hanggang Saan pagkatapos ng “Asintado” sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN2.

VONGGANG CHIKA!
Peter S. Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …