Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Ang Dalawang Mrs. Reyes” nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban tatlong movie outfit nagsanib-puwersa (Palabas na sa January 17)

KASUGAL-SUGAL naman talaga ang obra ni Direk Jun Robles Lana na “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na pinagbibidahan ng batang superstar na si Judy Ann Santos at multi-talented comedy actress na si Angelica Panganiban.

Kaya naman hindi nag-atubili pang magsanib puwersa ang Star Cinema, Ideal First Company at Quantum Films na i-produce ito dahil bukod sa masyado silang bilib sa project ay alam nilang malayo ang mararating ng kanilang pelikula base na rin sa positive reviews na kanilang natatanggap sa netizens na nakapanood ng kanilang full trailer.

Ang Dalawang Mrs. Reyes ay tungkol sa paglalakbay ng dalawang babae na hahabulin ang kanilang mga mister na nagkakasala sa kanila — sina Lianne (Santos) at Cindy (Panganiban) na magkapareho ang apelyido.

Dadaan sa pagsubok ang kanilang masayang buhay kasama ang kanilang mga asawa nang malaman nila na may relasyon ang kanilang mga mister(JC de Vera at Joross Gamboa). Daraan sa maraming misadventures sina Lianne at Cindy upang maagapan nila ang relasyon sa kanilang mister.

At nang tanungin si Juday sa grand presscon ng kanilang movie ni Angelica kung sa paniniwala niya ay okey lang bang magmahal ng bading o paano kung nalaman niya na bading pala ang karelasyon niya.

Narito ang naging tugon ng mahusay na aktres, “Depende naman ‘yun, kasi may matatagpuan o makikilala kang bading man na kapag nagmahal ay hindi mo na iisipin kung anong gender niya kasi masyado ka niyang mahal, masyado ka niyang inaalagaan.

“Yun naman ang importante, ‘yung may respeto. Pero kapag napunta na sa bastusan, bigla kang iiwan, nawala na ‘yung respeto roon na nagkakaroon ng problema. ‘Pag nagmahal ng bakla o nagmahal ng tomboy, it doesn’t really matter kasi ang importante totoo ‘yung pagmamahal ninyo sa isa’t isa.”

At kung bakit niya pinili itong Ang Dalawang Mrs. Reyes na kanyang magiging comeback? “Kasi ‘yung mga past films na ginawa ko na indie lahat mabibigat.

Gusto ko, something refreshing and 2017 for me was such a roller-coaster ride. Gusto ko ng change.

“Ang daming nawala, ang dami kong kailangang harapin. I needed something refreshing. And eto ‘yun. I prayed hard and talagang humingi ako ng sign. Eto ‘yun. Agad-agad ibinigay naman sa akin,” pakli ni Juday na sobrang nag-enjoy sa proyekto nila ni Angelica na noong bata pa ay pinangarap nang makasama siya sa trabaho at flattered si Angel at nakasama na nga niya ang hinahangaang aktres.

“Siyempre nakaka-flatter siya, nakao-overwhelm. Kasi bata pa lang ako, artista na ako. Siyempre noon, bago ko siya makatrabaho sa “Sa Puso Ko, Iingatan Ka” talagang pinapangarap ko na ‘sana ‘no, makatrabaho ko ‘yan, tulad nina ate Juday, ganyan.

“So no’ng makatrabaho ko siya sa Sa Puso… hindi ako nagsasalita no’n sa taping ‘di ba? Sobra talagang pag nakikita ko siya, makikinig na lang ako sa mga kuwento niya, tapos tatawa na lang ako on the side, gano’n.”

Sey ni Angelica na nagkuwento rin na sobrang saya nila sa set ni Juday, dahil masaya ‘yung film nila. Isa sa highlight scene sa movie ay ‘yung sinundan nila sa Gay Parade sa ibang bansa sina JC at Joross na noong makompirma ng dalawang Mrs. Reyes ang relasyon ng dalawa hayon nag-dialogue si Juday ng “Mga Bakla ng Taon,” ang kanilang mga mister.

‘Yung iba-ibang sexy pose din ni Juday sa tabi ng swimming pool na inaakit nito si Joross, na nag-

dialogue lang ng, “Diyos ko!” ay isang aliw factor sa movie na showing sa January 17 sa maraming sinehan

sa buong bansa.

VONGGANG CHIKA!
Peter S. Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …