Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV viewers ng “Hanggang Saan” iba-iba ang hula sa totoong killer ni Eric Quizon

TULAD na rin pala ng “The Good Son” ng Dreamscape Entertainment ang teleseryeng “Hanggang Saan” na kani-kanilang hula ang TV viewers kung sino talaga ang killer ni Edward Lamoste na ginampanan ni Eric Quizon.

Kahit umamin na si Sonya na kasalukuyang nakakulong sa salang Murder dahil siya umano ang pumatay sa negosyanteng daddy ni Anna (Sue Ramirez) ay ayaw itong paniwalaan ng mga masugid na tagapanood ng Hanggang Saan.

Marami ang hindi kombinsido na si Sonya ang totoong may sala at duda nila ay mukhang si Jacob Montecillo (Ariel Rivera) ang talagang bumaril kay Lamoste lalo’t ang sama-sama ng karakter nito sa nasabing serye at siya pa ang karelasyon ngayon ni Jean (Teresa Loyzaga) na wife ni Edward.

Well, baka sa sa susunod na mga episode ay may bagong suspek na naman at ano kaya ang dahilan ni Sonya at inamin niya ang krimen na apektadong-apektado ang anak na si Paco (Arjo Atayde). Marami pang kaabang-abang at kagulat-gulat na mga eksena sa Hanggang Saan kaya;t pakatutokan ninyo tuwing hapon sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Pusong Ligaw at sa Lunes, after naman ng “Asintado,” ang pinakamalaki at pinakabagong teleserye na sisindak sa inyong hapon at pinagbibidahan nina Julia Montes, Shaina Magdayao, JC De Vera at Aljur Abrenica.

Sino ang tatanghaling grand
winners sa Music Hero:
THE VOCAL BATTLE
SA EAT BULAGA?

KASAMA ng kanilang band mate, ilang buwan nang nagpapagligsahan sa pagkanta ang mga vocal hero na kabilang sa grand finalists ng “Music Hero: The Vocal Battle,” sa Eat Bulaga.

At ngayong Sabado ay huhusgahan na kung sino kina Viral Teen Heartthrob Edmark Borja ng Dasmariñas, Cavite; Swag Jewel Crystal Paras ng Quezon City; Vocal Wonder Cahil Manila ng Makati City; Stage Empress Sheland Faelnar ng QC.

Nasa grupo ng cluster B etc ang tatanghaling mga kauna-unahang grand winners sa labang ito na mangyayari na ngayong Jan. 13 sa Broadway Studio.

Malaking cash prize ang naghihintay para sa mahihirang na champion. Mga kilalang singer at composer ang inimbita ng Eat Bulaga para mag-judge sa nasabing grand finals at isa na rito ang resident judge sa Music Hero na Jimmy Antiporda.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …