Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Nora Aunor

Pagsasama nina Ate Vi at Nora, ‘di totoo

BALI-BALITA na ang pagsa­samang muli sa pelikula nina Vilma Santos at Nora Aunor.

Iba-iba ang naging reaksiyon dito ng mga tao. Marami ang natuwa kaysa hindi.

Ayon kay Ate Vi, ”Nope!! Wala pa akong nakakausap plus ‘got really very busy ng November/December!!! Now pa lang ako naka-break nitong holidays.”

Sa naging pahayag ni Ate Vi mukhang walang katotohanan ang kumakalat na balitang magsasama sila ni Ate Guy sa pelikula.

‘Yun na!

SYLVIA,
PINAGDUDAHAN
ANG KAKAYAHAN

PASASALAMAT ang gustong ipahatid ni Sylvia Sanchez kay Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment dahil ito ang nagbigay sa kanya ng break sa pelikula. Ito ay ipinahayag ni Ibyang sa presscon ng Mama’s Girl na ipalalabas sa mga sinehan simula sa January 17.

Inamin ni Sylvia na marami ang namba-bash sa kanya na pinagdudahan ang kakayahan niya sa pag-arte. Pero imbes mapikon, naging challenge ito para galingan o patunayan na mali sila.

Maraming pinagdaanan si Sylvia pero nalagpasan niyang lahat ito. Ngayon ay isa na siyang artista na de-kalidad at hindi matatawaran.

Makakasama ni Sylvia sa Mama’s Girl sina Sofia Andres, Diego Loyzaga at iba pa.

NADINE AT JAMES,
MAY PASABOG
SA KANILANG 2ND 
ANNIVERSARY

SA FEBRUARY 12 ay second year na nina James Reid at Nadine Lustre bilang couple. At sa Revolution concert nila sa February 9 sa Smart Araneta Coliseum ay may pasabog ang dalawa.

Kung ano ang pagsabog na iyon, ‘yun ang dapat abangan ani Nadine.

Bukod sa concert, may ginagawa ring movie sina James at Nadine na ididirehe ni Antoinette Jadaone plus ang maraming endorsements.

 MATABIL ni
John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …