Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, dapat nang bumalik sa paggawa ng teleserye

NAGBALIK na si Judy Ann Santos sa mainstream movie, sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes. Iyan ay matapos na makagawa siya nang halos sunod-sunod na mga pelikulang indie. Nakalulungkot naman na nang gumawa siya ng indie, kagaya ng karaniwang nangyayari, hindi rin kumita ang mga iyon. May isa pang pelikula na nalugi pati siya dahil sumosyo siya sa produksiyon mismo ng pelikula.

Isa iyan sa natatandaan naming naging problema nila noon ng dati niyang manager, na nagalit nang gumawa siya ng indie films na hindi nagpaalam dahil alam naman niyang hindi siya papayagan. Pero kagaya rin ng iba pang mga artista, gusto rin naman siyempre niyang masubukan ang gumawa ng indie. Pero ngayon nagbabalik na siya ulit sa mainstream dahil talaga namang naroroon ang labanan sa industriya. Kailangan ang mga mainstream para suportahan ng publiko at makalabas nang sigurado sa mga sinehan. Dala na rin kasi ang mga sinehan na nalulugi lamang sa mga pelikulang indie.

Ngayon sinasabi nga nila, medyo malalaki na rin naman ang mga anak ni Juday, at baka maaari na rin niyang balikan ang paggawa niya ng mga teleserye. May panahong dominated ng mga show ni Juday ang primetime. Siya ang humawak ng primetime ng matagal na panahon din, hanggang sa nagsawa yata siya at tumigil na muna, lalo na noong panahong sinasabing gusto naman niyang magka-baby na. Ngayon pareho na ang dalawa niyang anak na hindi na masyadong alagain, kaya bakit nga ba hindi rin niya balikan ang teleserye kung iyon ang mas magtutulak pa sa kanyang career?

Pero sinasabi nga rin ni Juday, na bagamat binabalikan na niya unti-unti ang kanyang career, mas priority pa rin niya ang kanyang pamilya. Eh kasi naman, iyang si Juday ang kahit na siguro hindi na magtrabaho ay ok naman ang magiging buhay nila. Pero sayang din naman dahil hinahanap iyon ng kanyang fans.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …