Friday , December 27 2024

A very good year to start at BI

UNANG pasabog sa taong 2018 ang inilabas na Operations Order No. JHM-2018-001 ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente tungkol sa Restoration of Express Lane Funds.

Ito ang matagal nang hinihintay ng buong ahensiya na muling ibinabalik ang overtime (OT) pay ng lahat ng mga kawani at manggagawa ng kagawaran.

Pursuant to General Appropriations Act of 2018 na nilagdaan ni Pa­ngulong Rodrigo “Digong” Duterte, muling sinangayonan ng pangulo ang pagkolekta ng express lane fees sa lahat ng official transactions ng Bureau para ilaan sa “trust fund” na gagamitin upang bayaran ang overtime ng mga empleyado.

Dahil din dito, muling ibinabalik ang dating working hours na 7:00am to 5:30 pm para sa mga sangay na opisina ng ahensiya at 24/7 operations sa lahat ng airports and subports sa buong bansa.

Ayon sa ating nakalap na impormasyon, tatagal hanggang December 31, 2018 ang ganitong sistema.

Pipilitin umano ng kampo nina DOJ Secretary Vitaliano Aguirre at BI Commissioner Jaime Morente na i-fast track ang bagong immigration bill na magtataas ng mga bagong salary grades ng buong ahensiya!

Well, hindi na masama ito at masasabi nating magandang pamasko sa lahat ng kawani ng BI.

Malaking bagay para sa lahat ang pagkakaroon muli ng OT pay kahit sa buong taon ng 2018 lang.

Sa klase ng performance na pinakita ng mga bossing ng DOJ at BI ay naniniwala tayo na kaya nilang pabilisin ang pag-amyenda sa bagong batas!

Sa panig ng mga kawani, dapat na performance level din ang kanilang ipakita para patunayan nila na hindi nagkamali si Pangulong Duterte sa pagpanig sa kanila na muling ibalik ang overtime pay.

Kaya para sa buong Bureau of Immigration, CONGRATULATIONS and a happy 2018 para sa inyo lahat!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *