Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

A very good year to start at BI

UNANG pasabog sa taong 2018 ang inilabas na Operations Order No. JHM-2018-001 ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente tungkol sa Restoration of Express Lane Funds.

Ito ang matagal nang hinihintay ng buong ahensiya na muling ibinabalik ang overtime (OT) pay ng lahat ng mga kawani at manggagawa ng kagawaran.

Pursuant to General Appropriations Act of 2018 na nilagdaan ni Pa­ngulong Rodrigo “Digong” Duterte, muling sinangayonan ng pangulo ang pagkolekta ng express lane fees sa lahat ng official transactions ng Bureau para ilaan sa “trust fund” na gagamitin upang bayaran ang overtime ng mga empleyado.

Dahil din dito, muling ibinabalik ang dating working hours na 7:00am to 5:30 pm para sa mga sangay na opisina ng ahensiya at 24/7 operations sa lahat ng airports and subports sa buong bansa.

Ayon sa ating nakalap na impormasyon, tatagal hanggang December 31, 2018 ang ganitong sistema.

Pipilitin umano ng kampo nina DOJ Secretary Vitaliano Aguirre at BI Commissioner Jaime Morente na i-fast track ang bagong immigration bill na magtataas ng mga bagong salary grades ng buong ahensiya!

Well, hindi na masama ito at masasabi nating magandang pamasko sa lahat ng kawani ng BI.

Malaking bagay para sa lahat ang pagkakaroon muli ng OT pay kahit sa buong taon ng 2018 lang.

Sa klase ng performance na pinakita ng mga bossing ng DOJ at BI ay naniniwala tayo na kaya nilang pabilisin ang pag-amyenda sa bagong batas!

Sa panig ng mga kawani, dapat na performance level din ang kanilang ipakita para patunayan nila na hindi nagkamali si Pangulong Duterte sa pagpanig sa kanila na muling ibalik ang overtime pay.

Kaya para sa buong Bureau of Immigration, CONGRATULATIONS and a happy 2018 para sa inyo lahat!

HIGH MORALE
ANG BI RANK
& FILE
EMPLOYEES

SA PAGPASOK ng unang araw sa Bureau of Immigration (BI) main office ay ginanap ang “flag raising” na pinangunahan nina commissioners Jaime Morente, Toby Javier at Aimee Torrefranca-Neri.

Present din ang lahat ng division chiefs pati na ang terminal heads and airport supervisors sa NAIA maging ang ilang Alien Control Officers sa mga subport.

Mataas ang energy ng lahat at high level din ang morale ng mga empleyado sa pronouncement ni Commissioner Bong Morente sa restoration ng overtime pay.

Masaya ang karamihan na taga-airport at main office sa regalong natanggap nila tungkol naman ito sa announcement ng POD chief sa mapapalad na nakakuha ng kanilang promotion.

Iba ang naging atmosphere ng araw na ‘yun dahil very evident sa kanilang mga mukha ang ligaya at saya dulot ng panibagong pag-asa!

Tingnan n’yo nga naman, matapos ang delubyong dinanas ng mga taga-BI noong nakaraang taon ay sino ang makapagsasabi na ganoon din kabilis makarerekober ang lahat.

Iba rin talaga kapag may mga puso ang humahawak sa isang organisasyon.

Mapalad ang Bureau sa pagkakaroon ng mga pinuno gaya nina SOJ Aguirre, Usec. Bal­mes, Comm. Morente, et al.

Dasal natin ay magtagal pa sila sa kanilang puwesto o hanggang matapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon!

Mabuhay po kayo, mga bossing!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *