Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pista ng Itim na Nazareno

BILANG isang Kristiyanong bansa ay taon-taon nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Itim na Nazareno ng Quiapo. Isa itong malakihang pagdiriwang na dinadalohan ng milyon-milyong deboto.

Katulad ng ating mala-paganong paggunita ng Mahal na Araw, ang magulong prosesyon ng Itim na Nazareno sa paligid ng Basilica ng Quiapo ay malinaw na impluwensiyado ng ating paganong nakaraan kaya ang pagdiriwang nating ito ay kakaiba.

Pero sa kabila ng pagiging iba natin sa bahaging ito ng Asya ay hindi tayo nag-iisa sa pagpapakita ng ganitong uri ng debosyon sapagkat ang mga Mehikano at Latino Amerikano ay kahalintulad natin pagdating sa pagpapakita ng debosyon, siguro dahil pareho tayong sinakop ng Espanya noong ika-15 daan taong siglo.

Maliban sa Brazil, ang mga bansa sa Central at Timog Amerika (na kilala rin sa tawag na Latino Amerikano) ay tulad natin na dating kolonya ng Espanya. Gamit ang krus at espada, sinakop at pinilit tayong maging Kristiyano ng mga Kastila.

Sa kabila ng pagtanggap natin ng mabuting balita ay malinaw pa rin na kakaiba ang ating pagiging Kristiyano mula sa tradisyonal na paniniwala ng konserbatibo at reaksiyonaryong Katolisismo na itinataguyod ng Espanya. Ito ay dahil nilabanan ng ating mga ninuno ang impluwensi­yang hatid ng mga Kastila na ang naging resulta ay kakaibang timpla ng ating pananampalatayang Kristiyano.

Kaya hindi kataka-taka, halimbawa, na hanggang sa ngayon ay nagpapaalala sa atin ang mga paring Romano Katoliko na huwag maniwala sa mga anting-anting, sa mga elemental o lamang lupa na nilalang tulad ng duwende, diwata, enkanto o enkantada.

Pinaaalalahanan din tayo na huwag maniwala sa mga aswang, kapre, maligno o ‘di kaya ay huwag umakyat sa Bundok ng Banahaw upang mag-orasyon o ‘pakainin’ ang mga anting-anting.

Ang mga patuloy na paalalang ito sa ngayon ay patunay na sa kabila ng pagiging Kristiyano natin ay napakalakas pa rin ng ating mga paganong paniniwala.

Malinaw na bigo ang mga Kastila na tuluyang burahin sa ating diwa ang pagiging pagano.

Walang tama o mali sa ating mala-paganong pagsasabuhay ng pagiging Kristiyano dahil ito ang ating kultura. Walang masama o dapat ikahiya rito. Bagkus, ang ating kakaibang pagsasabuhay ng pananampalatayang Kristiyano ay dapat ipagmalaki dahil isa ito sa konti at maliit na tagumpay ng ating kaakohan at kultura laban sa daluyong ng kanluraning impluwensiya.

***

Tambak ang basura sa prosesyon ng Itim na Nazareno. Para sa karagdagang detalye ay pas­yalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …