Monday , October 14 2024
thief card

Bank ATM fraud maaresto kaya?

NITONG nagdaang holidays, habang abala ang mga tao sa kani-kanilang event at concern, hindi rin nagpatalo ang mga ‘tirador’ na hacker at kinana ang account ng mga depositor.

Karamihan ng mga naging biktima ay depositor ng BDO (Banco de Oro), ang pamosong banko ng tycoon na si Henry Sy.

Isa sa mga humingi ng tulong sa inyong lingkod na tawagin ang atensiyon ng BDO ay isang airline employee na ang opisina ay sa Cebu pero siya ay residente sa Metro Manila.

Nitong nakaraang 27 Disyembre 2017, natuklasan ng biktima na ang kanyang ATM ay nagamit sa pitong transaksiyon sa California.

Hawak niya ang kanyang ATM pero nagamit sa POS (Swipe EMS) sa California.

Nalimas sa kanyang ATM ang halos P26,000. Iyon ay ATM payroll kaya ibig sabihin, ang laman ng nasabing ATM ay kanyang pinagpaguran — sabi nga dugo’t pawis.

Para sa isang gaya ni Henry Sy, baryang-barya ang halagang P26,000.

Pero para sa isang pangkaraniwang empleyado, ang halagang P26,000 ay pantustos sa kanyang iba’t ibang bayarin at kompromiso lalo na kung may mga binabayarang hulugan, gaya ng kotse.

Mabuti na lamang at mayroong pamilyang masasandigan ang biktima na kanyang nalapitan para hindi mag-penalty ang mga bayarin niya kada buwan.

E paano kung wala?!

Kung solo-katawan lang siya at walang ibang malalapitan?! E ‘di ‘yun na ang simula ng pagkakalubog niya sa utang.

Sa madaling sabi, nagreklamo nga siya sa BDO. Pinalitan  na ang kanyang ATM at nangako na iimbestigahan ang insidente.

Kapag natapos ang imbestigasyon saka palang malalaman ng biktima kung magkano ang ibabalik sa kanya ng BDO.

Wattafak!

Ang perang pinaghirapan na ipinagkatiwala sa banko, napunta lang sa magnanakaw?!

At lumalabas na walang pananagutan ang banko?!

Sonabagan!

Hindi pa man natin naikokolum ang reklamong ito ay naglabasan na ang iba pang kagayang kaso at ‘yun nga humingi ng paumanhin ang BDO pero ganoon din ang stand nila sa ibang kaso, paiimbestigahan at walang komitment na ibabalik nang buo ang pera ng mga biktima.

Sige, sabihin na nating may ganyang patakaran ang mga financial institutions or establishments, e ano naman ang kasigurohan ng mga depositor na hindi na mauulit ang mga kagayang karanasan sa iba pang depositors?!

Gaano ba ka-secure at kaprotektado ang mga depositor na gumagamit ng ATM sa kanilang bank transactions?!

Hello BDO, salamat sa apology but depositors need an assurance na hindi mauuwi sa mga magnanakaw at mandarambong ang pinaghirapan nilang kuwarta.

Do your best na mapanagot kung sino ang indibiduwal o sindikatong may gawa niyan at patunayan ninyo na hindi inside job ‘yang mga insidente ng hacking sa ATM ng mga depositor ninyo.

Take note, BDO management!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *