Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bank ATM fraud maaresto kaya?

NITONG nagdaang holidays, habang abala ang mga tao sa kani-kanilang event at concern, hindi rin nagpatalo ang mga ‘tirador’ na hacker at kinana ang account ng mga depositor.

Karamihan ng mga naging biktima ay depositor ng BDO (Banco de Oro), ang pamosong banko ng tycoon na si Henry Sy.

Isa sa mga humingi ng tulong sa inyong lingkod na tawagin ang atensiyon ng BDO ay isang airline employee na ang opisina ay sa Cebu pero siya ay residente sa Metro Manila.

Nitong nakaraang 27 Disyembre 2017, natuklasan ng biktima na ang kanyang ATM ay nagamit sa pitong transaksiyon sa California.

Hawak niya ang kanyang ATM pero nagamit sa POS (Swipe EMS) sa California.

Nalimas sa kanyang ATM ang halos P26,000. Iyon ay ATM payroll kaya ibig sabihin, ang laman ng nasabing ATM ay kanyang pinagpaguran — sabi nga dugo’t pawis.

Para sa isang gaya ni Henry Sy, baryang-barya ang halagang P26,000.

Pero para sa isang pangkaraniwang empleyado, ang halagang P26,000 ay pantustos sa kanyang iba’t ibang bayarin at kompromiso lalo na kung may mga binabayarang hulugan, gaya ng kotse.

Mabuti na lamang at mayroong pamilyang masasandigan ang biktima na kanyang nalapitan para hindi mag-penalty ang mga bayarin niya kada buwan.

E paano kung wala?!

Kung solo-katawan lang siya at walang ibang malalapitan?! E ‘di ‘yun na ang simula ng pagkakalubog niya sa utang.

Sa madaling sabi, nagreklamo nga siya sa BDO. Pinalitan  na ang kanyang ATM at nangako na iimbestigahan ang insidente.

Kapag natapos ang imbestigasyon saka palang malalaman ng biktima kung magkano ang ibabalik sa kanya ng BDO.

Wattafak!

Ang perang pinaghirapan na ipinagkatiwala sa banko, napunta lang sa magnanakaw?!

At lumalabas na walang pananagutan ang banko?!

Sonabagan!

Hindi pa man natin naikokolum ang reklamong ito ay naglabasan na ang iba pang kagayang kaso at ‘yun nga humingi ng paumanhin ang BDO pero ganoon din ang stand nila sa ibang kaso, paiimbestigahan at walang komitment na ibabalik nang buo ang pera ng mga biktima.

Sige, sabihin na nating may ganyang patakaran ang mga financial institutions or establishments, e ano naman ang kasigurohan ng mga depositor na hindi na mauulit ang mga kagayang karanasan sa iba pang depositors?!

Gaano ba ka-secure at kaprotektado ang mga depositor na gumagamit ng ATM sa kanilang bank transactions?!

Hello BDO, salamat sa apology but depositors need an assurance na hindi mauuwi sa mga magnanakaw at mandarambong ang pinaghirapan nilang kuwarta.

Do your best na mapanagot kung sino ang indibiduwal o sindikatong may gawa niyan at patunayan ninyo na hindi inside job ‘yang mga insidente ng hacking sa ATM ng mga depositor ninyo.

Take note, BDO management!

UNTOUCHABLE
ANG MGA BUTAS
NG 1602 NI ALYAS
JEFF SA MAYNILA!

SIKAT na sikat ngayon ang tara y tangga na ‘cashunduan’ ‘este usapan sa pagitan ng ilang bidang bagman at ni alyas JEFF sa lungsod ng Maynila.

Patuloy ang pamamayagpag  ni alyas JEFF katimbre ang ilang police bagman ng MPD na kopo niya ang 60% sa mga nakalatag na butas ng booki­es ng karera ng kabayo at lotteng sa Maynila.

Ang ilang porsiyento kasi ng butas ay nasa ilalim pa rin ni 1602 bagman cop Tata Paknoy na matibay pa rin ang konek sa MPD.

For your information MPD district director, Gen. Joel Coronel, takot raw galawin ng mga ‘pulisan’ ninyo ang mga butas ni Jeff dahil timbrado raw ito sa ‘itaas’ ng MPD at NCRPO?!

‘Yan kasi ang ipinagyayabang ng mga pamatong bagman ni Jeff!

Wattafak!?

Itong si Jeff ang pumalit sa dating reyna ng bookies sa Sampaloc na si alyas Madame Guia Gomez.

Nagtangkang pumasok sa politika pero umatras nang mag-umpisa ang Oplan Tokhang ni General Bato.

At hindi lang pala butas ng bookies ang lakad nitong si Jeff kundi pati ilegal na droga ay sok-pa rin?!

Sino-sino ba sa MPD Hq ang naka-payroll kay bookies king Jeff?!

Ilang unit sa MPD ang may ‘parating’ tuwing Biyernes?

Pakitanong lang po General Joel Coronel sa mga Intel boys mo!

KUDOS SA LAHAT
NG NAGTRABAHO
PARA MAIBALIK
ANG OT PAY
NG IMMIGRATION

KUNG mayroong dapat pasalamatan ang lahat ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI), sila ang “core group” na bumuo para sa justification ng restoration of express lane fund para pondohan ang kanilang overtime pay.

Ito ay pinangungunahan nina DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, DOJ undersecretaries Ericsson Balmes, Antonio Kho, Jr., BI Commissioner Jaime Morente and deputies Toby Javier at Aimee Torrefranca-Neri.

Bagamat hindi lutang sa madla sina undersecretaries Balmes and Kho, sila ang puspusang nagtrabaho sa documentations para sa justification ng ELF.

Kudos din sa mga bumubuo ng Legal Team na sina BI Legal Chief Arvin Santos, Atty. Madera at iba pa. Nariyan din ang grupo nina POD Chief, Marc Red Mariñas, IRD Chief Rogelio “Junjun” Gevero pati ni BUKLOD prexy Atty. Sadiasa at IOAP President Er German Robin.

Silang lahat ang buong pusong nagpakita ng dedikasyon at determinasyon para sa kapakanan ng mga kawani.

Kahit pa nga medyo nakulitan at nairita na sa kanila ang palasyo, hindi pa rin tumigil ang nasabing grupo para gawing posible ang tila imposible noon na maibalik ang dating benepisyo.

Kung tuluyang maaamyendahan ang bagong Immigration bill, ito na marahil ang magiging “legacy” nina SOJ Aguirre at Comm. Morente na tatanawin habambuhay ng ahensiya.

Sino nga naman ang mag-iisip na matapos ang sandamakmak na issues na pinagdaanan ng dalawang ama ng kagawaran ay sila pa nga­yon ang tandem para ayusin at ibalik ang OT pay.

Dito makikita kung gaano sila ka-professional.

Kung ang lahat ng mga nakapuwesto sa iba pang ahensiya ay tulad ng dedikasyon at determinasyon nina SOJ Aguirre at Comm Morente, siguradong magiging maayos at payapa ang kanilang nasasakupan!

All’s well that ends well, sabi nga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *