Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Entrance fee sa casinos ipapataw ng BIR

IPATUTUPAD na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang entrance fee o qualifying fee sa mga casino.

Ayon sa National Tax Research Center (NTRC), mayroon nang kinokolektang P100 ang Philippine Amusement and Gaming Corp., (PAGCOR) sa mga pumapasok sa Casino at maaari umano itong gawing P500.

Maaari rin umanong hanggang  P1,500 ang ipataw na entrance fee.

Sa ganang atin, mas mainam ngang patawan ng mas mataas na qualifying fee o entrance fee ang mga pumapasok sa mga Casino.

Masyado kasing nakararahuyo sa mga tambay sa mga Casino na kahit P1,000 o P2,000 ang pera sa bulsa ay ipinangsusugal pa.

May mga Casino gaya ng Solaire na mayroong P200 lowest bet. Mantakin ninyo, ipapamalengke na lang, ilalaro pa sa Casino?!

Kung hindi tayo nagkakamali, maraming Casino na nasa ilalim ng PAGCOR ay plano nang ibenta ng pamahalaan.

Napansin kasi ng NTRC na mula 2005 ay malaki ang ibinagsak ng kita ng mga Casino.

Mabigat na kasi ang kompetisyon. Nariyan ang mga bago at pribadong casino-hotel na dinarayo ng mga foreign junketeers gaya ng Solaire, Okada at Resorts World Manila.

Alam n’yo naman ang Casino-goers, kung alin ang bago ‘yun ang dadayuhin. Kaya kung ipupursige ang pagpapataw ng qualifying fee o entrance fee makatutulong ito nang malaki hindi lamang sa mga Casino kundi maging sa mga mahilig tumambay sa Casino kahit wala naman silang pang-Casino.

I-push na ‘yan!

‘SUNOG’
NI SANDRA CAM
UMABOT
KAY ATONG ANG?

MATAPOS ang balitaktakan sa publiko ng ilang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ng bagong talagang director na si Manay Sandra Cam, hayan bigla namang pumutok ang isyung ipinabubusisi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax records ni Atong Ang.

Si Manay Sandra ay itinuturo ni PCSO General Manager Alexander Balutan na siya umanong pumapadrino kay Atong Ang upang makakuha muli ng prangkisa sa pagpapatakbo ng Small Town Lottery (STL).

Pero dahil hindi umano napagbigyan, humantong umano sa malisyosong pagbubunyag ni Manay Sandra ng maluhong Christmas party ng PCSO na gumastos umano ng P6 milyones.

Marami ang pumuna sa nasabing Christmas party ng PCSO at nang mag-anunsiyo ang Palasyo na may tatanggaling opisyal, marami ang nag-isip na mula sa PCSO ang sisibakin.

Bago ito, hindi rin malilimutan ang bintang ni Atong Ang na ipinapapatay siya nina National Security Adviser Hermogenes Esperon at GM Balutan na kapwa itinanggi ng dalawa.

At ngayon nga, sinabi ng BIR na bubusisiin nila ang tax records ni Ang para makita kung dapat nga ba siyang imbestigahan.

Sa ganitong sitwasyon, nakikita natin na hindi nagiging pabor kay Atong ang pakikipagbakbakan ni Manay Sandra sa PCSO na ngayon ay kabahagi na siya bilang director.

Kumbaga, ang apoy na ipinukol niya kina GM Balutan ay nag-boomerang at ang tinamaan ng sunog, ang ‘kaibigan’ niyang si Atong.

Anyway, wala tayong kinakampihan sa da­lawang panig, pero ang gusto nating ipunto, kung sila ay kapwa kaalyado ni Pangulong Ro­drigo “Digong” Duterte, tumulong sila kung paano makapag-aambag sa mga taong gustong tulungan ng pangulo.

Hindi ‘yung para silang mga anak na alibugha na nag-aaway sa publiko.

Kung mayroong problema sa liderato ng PCSO dapat opisyal na umaksiyon si Manay Sandra at gawing legal ang reklamo.

Ganoon din naman ang PCSO management kay Manay Sandra, kung nakikita nilang inaabuso niya ang pagtatalaga sa kanya ng Pangulo, maghain sila ng reklamo.

Pero sana, ano man ang maging aksiyon nila, patungo sa pakikiisa sa mga programa ng Pa­ngulo, hindi patungo sa interes ng kanilang mga bulsa.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *