Thursday , December 26 2024

Absuwelto ni Ex-Gov. Joel Reyes sampal sa mukha ni Sec. Harry Roque

KUNG hindi pa makahuma sa kanilang pagkagitla ang naulilang pamilya ni Dr. Gerry Ortega, ano naman kaya ang pakiramdam ni Presidential spokesperson Secretary Harry Roque na tumayong abogado ng biktima sa desisyon ng Court of Appeals?

Sabi nga, the decision of Court of Appeals is like a thief of the night. Isang magnanakaw na dumarating sa oras na hindi inaasahan.

Kung nagulantang, nagdalamhati at nagluksa ang pamilya Ortega nang ‘nakawin’ ng mga kriminal ang buhay ng kanilang padre de familia noong 2011, ngayon naman ‘kapayapaan na nakasalig sa katarungan’ ang dinambong hindi lamang sa pamilya ng biktima kundi sa samba­yanan.

Sa pagkakataong ito, hindi mga kriminal ang ‘nandambong’ kundi isang judicial institution — ang Court of Appeals (CA).

Mantakin ninyo, mismong ang Supreme Court ay nakita sa mga ebidensiya na may pananagutan si dating Palawan governor Joel Reyes sa kaso ng pagpaslang kay Doc Ortega pero pagdating sa Court of Appeals ay tuluyang nabaliktad?!

Sonabagan!

Sabi nila wala na si Madam Lerma, e bakit buhay pa rin ang kakaibang ‘kalakaran’ sa CA?

Mga suki, kami man ay biktima po ng makapangyarihang “CA.”

Mayroon kaming kaso ng Libel na matagal nang na-dismiss. Pero gaya ng pamilya Ortega, nagitla, nagulat at na-shock din kami nang matuklasan namin na binaliktad ng CA ang de-sisyon.

Tsk tsk tsk…

Para talagang isang ‘magnanakaw sa hatinggabi’  ang CA.

Bibiglain ka at matutuklasan mo na lang isang mahalagang bagay ang dinambong sa iyo.

Ano kaya ang pakiramdam at masasabi nga­yon ni Secretary Harry Roque?

Hindi naman kaya feeling mag-asawang sampal ang inabot niya sa desisyon ng CA?!

Araykupo!

Ang tanong, kanino pa magtitiwala ang sambayanan kung maging ang institusyong gaya g CA  ay hindi na maasahang magdesisyon nang parehas at may katarungan?

Paano na mga kagalang-galang na Mahistrado!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *