Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Lifestyle check sa Region IV-A LTFRB official

MATAPOS natin ikolum ang manyakol na opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), heto, isa pang opisyal ang dapat na isalang sa lifestyle check dahil sa kagulat-gulat na pagyaman.

Alam kaya ni LTFRB chief Martin Delgra III na mayroon siyang isang opisyal sa Region IV-A na nagpapatayo ngayon ng isang 3-storey mansion sa Tacloban?

Ang lupit ng bata ninyo, Atty. Delgra!

Baka naman daig pa kayo niyan sa paggawa ng pera?!

Mantakin ninyong nagpapatayo ng 3-storey mansion?!

Hindi naman daw nagtataka ang mga taga-LTFRB sa kapasidad ni Region IV-A official. Mayroon daw talagang pagkukuhaan  ng ipangtatayo ng mansion.

Lahat daw kasi ng papeles na dumaraan sa kanyang tanggapan ay ‘mababalaho’ kapag hindi nilagyan ng padulas.

E ilang papeles ba ang dumaraan sa kanyang opisina araw-araw?!

Aba, e ‘di malinaw na pitsang-pitsa ‘yan?!

Atty. Delgra, wala ka bang balak paimbestigahan kung sino ‘yang opisyal mong manyakol at opisyal na yakang-yakang magpatayo ng 3-storey mansion sa  Tacloban?!

Maliwanag ang sabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ayaw niya ng corrupt!

Imbestigahan na ‘yang mga LTFRB official na ‘yan!

JV & JINGGOY
MAGSASAMA
SA SENADO?

PINAG-UUSAPAN ngayon kung sabay bang tatakbong senador ang mag-utol sa tatay na sina Senator JV Ejercito at Jinggoy Estrada sa 2019?!

Pero malakas daw ang ugong na tatakbong mayor sa Maynila si Jinggoy?!

O sa San Juan tatakbong mayor si Jinggoy?!

Kung sa Senado, hindi kaya maging katawa-tawa sila?!

Noon, okey lang magsama ang mag-nanay na sina Senator Loi at Jinggoy sa Senado.

E ang mag-half bro na sina JV at Jinggoy, okey lang ba?!

Ano ang magiging relasyon nila kung sakali?

E alam na alam ng madlang people na walang ‘sweetness’ ang mag-utol kundi puro ‘sour’ lang.

Abangan natin kung ano ang magiging ‘konsesyon’ ng mga anak ni Yorme Erap.

E talaga namang kaabang-abang ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …