Friday , November 15 2024

‘Banal’ na desisyon ng Court of Appeals (Pagbalewala sa Korte Suprema at pagsira sa rule of law)

INAASAHAN  ang pag­dagsa ng milyon-mil­yong deboto bukas dahil sa kapistahan ng Itim na Nazareno Quiapo.

Halos lahat sa mga deboto ay sumasampa­lataya na kahit may pa­nganib ang taunang pakikilahok sa mahabang prusisyon at sakripisyo sa pagpasan ng Itim na Nazareno, may kapalit naman itong himala sa kanilang buhay.

Pero ang sinomang deboto na nasasangkot o akusado sa mabigat na krimen, mas malaki ang kanyang tsansa na sa Court of Appeals (CA) siya makasumpong ng dakilang milagro kaysa mamanata sa Quiapo.

‘Yan ang lumalabas na pahiwatig ng desi­syon sa pagkakaabsuwelto ng CA kay dating gobernador ng Palawan na si Joel Reyes, ang itinurong mastermind sa pagpatay kay Dr. Gerry Ortega na isang dating broadcaster.

Binaligtad ng mga mahistrado ng CA special division ang naunang hatol kay Reyes ng Puerto Princesa City Regional Trial Court (RTC) Branch 52 sa kasong murder.

Ang nakapaninindig-balahibo ay mistulang itinulad ng mga mahistrado ng CA special division ang kanilang sarili sa mga anghel at tawaging milagro ang pag-absuwelto nila kay Reyes.

Kailan pa nabibili ang milagro?

At ang mas nakapanghihilakbot ay walang takot na kinaladkad ng mga damuhong mahistrado sa CA pati ang pangalan ng Dakilang Maykapal – na kung tawagin ay “blasphemy” o paglapastangan sa pangalan ng Panginoon – sa pag-absuwelto nila kay Reyes.

Sabi sa desisyon ng CA, “Call it a second chance afforded him by God or a lucky three-point play for him, to use a common street lingo, or a miracle in his favor, (Reyes) must by all means be exonerated from the charge.”

Kung may Banal na Misa ang simbahan, ang CA pala ay may banal na pasya.

Amen!

PAGBALEWALA
SA KORTE SUPREMA
AT PAGSIRA
SA RULE OF LAW

BUKOD sa pag-absuwelto kay Reyes, inutusan din ng CA ang mababang hukuman na litisin ang akusado.

Ito ay tahasang pagbalewala ng CA sa Korte Suprema na una nang nagbasura sa mosyon ng akusado na humihiling ipatigil ang paglilitis ng mababang hukuman laban kay Reyes.

Sa naunang desisyon, idineklarang moot and academic ng Korte Suprema ang inihaing mo­syon ng kampo ni Reyes na ang ibig sabihin ay huli na dahil ang kaso ay sakop na ng jurisdiction ng mababang hukuman.

Kailan pa nagkaroon ng mas mataas na kapangyarihan kaysa Korte Suprema ang CA sa pagpapasiya ng kaso?

Si Reyes at kapatid na si dating Coron mayor Mario Reyes, gamit ang mga pekeng pasaporte at dokumento, ay matatandaang naaresto ng mga awtoridad sa Thailand at ipinatapon pabalik dito noong 2015 matapos ang may tatlong pagtatago sa nabanggit na bansa.

Napatunayan sa maraming desisyon na ang pag-eskapo ay kasalanang mabigat na itinuturing sa batas at basehan para madiin sa kaso ang akusado.

Hindi ba maliwanag na ‘yan ay pagsira sa rule of law?

 

‘LAPID FIRE’  SA DZRJ
10:00 pm to 12:00 mn

NGAYONG gabi mapapakinggan ang muling pagbabalik ng programang “Lapid Fire” sa Radio DZRJ (810 Khz/AM) na pansamantalang nalipat sa umaga noong nakaraang Disyembre.

Hindi lamang ang hiling ng mga tagasubaybay ang tinugon ng management na maibalik ang Lapid Fire sa dati nitong oras na nakasanayan nang pakinggan ng marami hanggang hatinggabi kung ‘di nadagdagan pa ang oras.

Mapapakinggan kami gabi-gabi, 10:00 pm – 12:00 mn, Lunes hanggang Biyernes, kasama sina Peter Talastas at Lolipop.

Muli rin nating makakasama ang batikang ko­lumnista ng Hataw-D’yaryo ng Bayan at brodkaster na si Jerry Yap sa programa.

Para sa mga humihiling na maibalik ang ating Live Jamming, kasalukuyan na po naming ina­ayos ang schedule.

Maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik at makaaasa kayo na kami ay kasama n’yong lalaban at maninindigan para sa katotohanan.

Mabuhay!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

 

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *