NITONG nakaraang kapaskuhan dagsa ang libo-libong pasahero sa airport kaya naman tumambak ang dami at haba ng pila sa arrival and departure counters ng Immigration sa airport.
Naging problema ang bagong implement na fingerprint scan at facial recognition na ipinatutupad sa immigration counters.
Kung dati ay inaabot ng 10 seconds per assessment ang isang pasahero, nitong nakaraang peak season ay naging 40 seconds per assessment ang bawat pasahero.
Trenta segundo ang nadagdag sa bawat pasahero kaya naman hindi malayo na tumambak ang pasahero sa immigration areas.
Nandiyan din ang familiarization sa bagong sistema kaya naman hindi natin masisi kung kailangan ng adjustment para sa mga IO.
Pero ano itong narinig natin na maraming lumalabas na errors and glitches pagdating sa computers sa counter?
‘Di kaya dapat munang tiyakin na walang lalabas na problema para hindi naman nasisisi ang mga walang malay na IOs sa airport?
Calling the attention of BI-MISD, baka naman puwede gawing error-free ang bagong sistema?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
ni Jerry Yap