Monday , December 23 2024

Kapalpakan ng KIA manager ‘wag isisi sa Immigration

KUNG meron daw isang ‘kups’ na CAAP manager sa airport, ‘e  isa na nga raw si Kalibo CAAP Manager Efren Nagrama?!

Wala raw kasing alam sisihin ang isang ito kundi ang mga tao sa KIA kapag nakitang humaba ang pila sa immigration counters.

Akala yata niya, mga robot na de-baterya ang mga IO sa airports at kinakailangan ay todo paspas sa pagtatak ang mga tao roon.

Alam kaya ni Airport kups ‘este Nagrama na 37 flights daily ang dumarating at umaalis na eroplano sa KIA?

Halos 6000 passengers daily ang kailangan i-clear ng mga IO at hindi basta tatak lang at encode ang kanilang gagawin kundi kailangan i-assess mabuti ang mga pasahero para siguradong walang terorista o blacklisted na makapasok sa ating bansa.

Sa ngayon ay may apat (4) arrival counters at three (3) departure counters ang immigration roon.

Kahit si Superman pa siguro o Wonder Woman ang ilagay mo roon ay hindi maiwasang dumami ang mga tao sa area?!

Madalas nga raw ay hindi na nakakakain sa oras o nakapupnta sa CR man lang ang mga IO, magampanan lang ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Alam kaya ni KIA CAAP manager kups ‘este Nagrama ‘yan?

Bakit hindi niya asikasohin ang pagpapalaki at upgrade ng kanyang munting airport at dagdag na immigration counters para i-accommodate ang 37 flights niya araw-araw?

At huwag ka!

Nagpadagdag pa raw ng 12 flights mula China si kolokoy para lang masabi na busiest airport siya sa Filipinas!

Wow!

Ang kapal niya ha?!

Hindi kaya may komisyon ang mokong sa mga flights na ‘yan?

CAAP DG Jim Sydiongco baka naman puwedeng i-seminar sa tamang airport operations ng KIA CAAP manager mo dahil mukhang wala na sa tamang huwisyo?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 
 BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *