Sunday , December 22 2024

Nakalulungkot at eskandalosong katotohanan

NAKALULUNGKOT na dahil sa gutom ay tila nasira na ang kinabukasan ni Paul Matthew Tanglao, isang 21 taon gulang na supermarket clerk matapos siyang mahuli, ikulong at sampahan ng kaso dahil sa pagnanakaw ng maliit na lata ng panawid gutom na corned beef na nagkakaha­laga ng P31.50 o katumbas ng 0.63 US cents sa pera ng mga Amerikano.

Nahaharap sa kasong qualified theft si Tanglao habang siya ay nakakulong sa Sta. Cruz Police Station sa Maynila matapos siyang idemenda ng pamunuan ng supermarket na pinagtatrabahuhan noong 10 Disyembre 2017. Ang supermarket ay pag-aari umano ng korporasyon na pinangu­ngunahan ng business tycoon na si Henry Sy.

Sa imbestigasyon ng pulisya ay P10 ang pera ni Tanglao (USD 0.20) kaya hindi makabili ng pagkain sa supermarket na pinaglilingkuran kaya naisipan niyang mangupit ng isang napakaliit na lata ng corned beef ngunit namataan ng isang security guard.

Agad tumawag ng mga pulis ang pamunuan ng supermarket at walang awang ipinadampot si Tanglao.

Kung pagbabatayan ang ipinagmamalaki ng mga pul-politiko na katatayuang pang-ekonomiya ng Filipinas ay hindi na dapat nangyayari ang trahedyang tulad ng nangyari kay Tanglao.

Lumalabas, sa kabila ng mga propaganda ng mga nasa pamahalaan tungkol sa pag-unlad ng Filipinas ay hindi talaga bumubuti ang buhay ng ordinaryong mamamayan tulad ni Tanglao at ang talagang nagtatamasa ng mga probetso sa sinasabing lumalaking Gross Domestic Product (GDP) ay ‘yung mga dambuhalang kompanya tulad ng pinangungunahan ni Sy at kanyang pa­milya.

Bilang mga Kristiyano, isa sa mga tungkulin natin ay bigyang katarungan ang kalalagayan ni Tanglao at kalingain ang mga nagkakasala dahil sa gutom tulad niya. Walang katarungan sa gutom na kanyang nararamdaman dahil alam naman ng lahat na hindi dapat nagugutom ang mamama­yan nang isang bansa na mayaman sa likas yaman.

Isa pang nakaeeskandalo sa pangyayaring ito ay alam din naman natin na sa ating bayan ‘yung mga nangungulimbat ng bilyong piso mula sa kaban ay hindi nakukulong, bagkus ay pina­rarangalan at nahahalal pa sa poder samantala ‘yung tulad ni Tanglao na walang kakayahan at maliit lamang ay walang pakundangang kung bitbitin patungo sa bilangguan ng mga nagmamaga­ling na awtoridad.

Kung hindi kayo naeeskandalo sa ganitong kalalagayan ay baka wala na talagang pag-asa ang ating bayan.

***

Bawal na ang isnaberong taxi driver at mga colorum na taxi cab sa Ninoy Aquino International Airport. Para sa karagdagang detalye ay pa­syalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *