Friday , July 25 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Dagdag-singil ng “Data Trail” sa I-Card inireklamo

MARAMI ang natatanggap nating reklamo laban sa Data Trail, ang official contractor para sa I-Card ng mga foreigner na iniisyu ng BI.

Nakapagtataka raw, sa kabila ng resibong binabayaran ng mga kli­yente ay may extra ‘P500’ service fee ang sinisingil sa bawat I-Card na ipina-process nila?!

Wattafak!?

Hindi ba may official receipt na nga ‘yan?

Bakit naniningil pa ng limang daan na ‘under the table?’

Para umano i-expedite ang mga naturang I-Card kaya kinakaila­ngan magbayad ng nasabing halaga!

Sonabagan!

Paanong expedite samantala inaabot nang ilang linggo o minsan ay isang buwan bago i-release ang I-Card nila?!

Sobra naman ‘yan!

Isipin na lang kung may 500 minimum I-Card ang ipo-process kada araw, ibig sabihin malinaw na 250k kada araw ang kinikita sa expedite ek-ek na ‘yan!

Hindi lang ‘yan!

Ang pagkaalam natin ay ilang administra­syon na ang dumaan ay nananatili ang “Data Trail” na ekslusibong nakakukuha ng kontrata ng nasa­bing I-Card!

Kaya naman parang pumipitas lang ng mansanas ang nasabing agency kung kumita ng kuwarta sa BI!

Aba, nagkakaroon pa ba ng bidding sa I-Card?

Ilang administrasyon na ang nakalipas pero nariyan pa rin ang “Data Trail” company. Hindi ba nararapat lang na magkaroon talaga ng totoong bidding para mabigyan ng pagkakataon ang iba?

Malay natin baka mas makabago ang teknolohiya ng ibang kompanya at ‘di hamak na mas mabilis ang proseso sa kanila?!

Wala pang “under the table” na Quinientos pesos!

MANHUNT
SA 2 BI-AGENTS

AFTER matukoy ng PNP Anti-Kidnapping Group ang dalawang agents ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa isang entrapment na isinagawa sa mismong parking lot ng ahensiya ay nag-utos ng manhunt operation para sa dalawa.

Naku naloko na!

Ikinanta raw ng ibang miyembro ng sindikato ang dalawang ahente kaya naman agad nag-dispatch si PNP Chief Gen. Bato ng ilang pulis para hanapin ang dalawang BI agents.

Isang alyas “Oxo” umano at isang alyas “Apol,” ang pangalan ng dalawang empleyado na miyembro ng BI Intelligence Division!

Petmalu!

Masamang balita sa kagawaran ‘yan kung ganoon!

Hindi ba nga at ipinapanawagan na mag-ingat ang Bureau sa mga ganyang klaseng issue dahil baka maging ‘butas’ o aberya para hindi maipasa ang ilang provisions ng GAA of 2018!

Alam n’yo naman si Pangulong Digong ma­syadong sensitive sa mga ganitong klaseng ba­lita.

Kumusta naman kaya ang status ng dalawa?

I’m sure hindi papayag si SOJ Vit Aguirre at Commissioner Jaime Morente na hindi sila big­yan ng preventive suspensions!

O mas mabuting sibakin na sila sa bureau kung mapatunayan na sangkot nga sila sa KFR.

Kaya sa ibang pasaway na empleyado riyan, huwag naman puro sarili ang iniisip.

Alalahanin din ang kapakanan ng lahat sa ahensiya!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Sipat Mat Vicencio

Kung iuuwing bangkay si Digong… sibak si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ‘BUTO’T BALAT’ na lamang ngayon ang pangangatawan ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

PR, photo ops ni Romualdez bumabaha, para saan?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PANSIN n’yo ba na halos araw-araw ay may mga lumalabas na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *