Friday , November 15 2024

Kahirapan lalaganap, patitindihin ng TRAIN

MUKHA yatang hindi maganda kung ‘di man malas ang pagsalubong sa taong 2018 para sa sambayanang Filipino.

Ikalawang araw pa lang ng Enero ay sinalubong na tayo ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

May dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang huling nagmahal ang mga produktong petrolyo at simula kahapon ay P0.20 na naman ang itinaas ng gasolina kada litro.

Tumaas naman ng P0.65 ang krudo (diesel) na gamit ng mga pampublikong sasakyan, habang P0.75 ang gaas (kerosene) na kalimitang panggatong na gamit ng mahihirap nating kababayan.

Gusto pa ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na pasalamatan natin ang gobyerno dahil ang pinakahuling price increase sa oil products ay hindi pa raw nakabase sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Sa ilalim ng bagong sistema ng pagpapataw ng panibagong mga buwis sa TRAIN na nilagdaan ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte noong December 19, 2017, aabot sa P6 excise tax ang inaasahang itataas sa oil products at iba pang mga produkto sa loob ng susunod na tatlong taon, kasama ang pagbili ng mga bagong sasakyan.

Kaya asahan na natin ang lalong pagtindi ng kahirapan na siguradong lalaganap sa bansa oras na maipatupad ang TRAIN, dalawa hanggang tatlong buwan mula ngayon.

Lalo lang magiging miserable ang pamumuhay ng mamamayan dahil sa domino effect ng TRAIN sa ipapataw na excise tax sa oil pro­ducts.

Tiyak na ang nakaambang pagsasamantala sa serbisyo ng koryente, tubig at iba pa, kasama ang serbisyo sa mga ospital at presyo ng mga gamot.

Kaya hindi na natin kailangan maging ekonomista para mahulaan ang bigat ng pamumuhay na ating sasagupain dahil siguradong hindi mapipigil ang magiging sunod-sunod na pagsirit sa presyo ng mga bilihin at lahat ng bayarin sa serbisyo.

Sa panahon ni yumaong dating Pang. Ferdinand E. Marcos hindi dinanas ng mamamayan ang epekto ng pagtaas sa presyo ng oil products dahil may sarili tayong kompanya noon – ang Petron – na ibinenta ni dating Pang. Fidel V. Ramos.

Si dating Pang. Cory Aquino naman ay binuwag ang Oil Price Stabilization Fund (OPSF) na itinatag ni Marcos para abonohan at sumagot sa pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo upang hindi makaapekto sa publiko.

Binuwag din ng administrasyon ni Cory ang batas na nagsisilbing proteksiyon ng mamama-yan laban sa pagtataas ng oil products at ipinatupad ang oil deregulation law.

Si Marcos mismo at hindi ang mga sumunod na pangulo ng bansa ang dapat tularan ni Pang. Digong sa pangangalaga sa interes ng publiko at pagpapahalaga sa kapakanan ng mamamayan.

BSP NAKAHIHIYA!

NABAHALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos kumalat sa social media ang kop­ya ng bagong P100 bills na wala ang ilang mahahalagang safety features ng pera.

Ang masagwa pa, ultimo larawan ni dating Pang. Manuel A. Roxas na mismong kumakatawan sa halaga ng P100 bilang salaping pambayad ay wala rin.

Nananawagan sa publiko ang BSP na itigil ang pagpapakalat sa larawan ng mga dispalinghadong P100 bills sa social media.

Kesyo baka raw magamit ito ng mga nagna-nais maghasik ng kalitohan para pagkakitaan ang dispalinghadong P100 bills na inimprenta ng BSP.

Inalintana rin kaya ng BSP ang nadamang pagkabahala at pagkalito nang mapasakamay ng tao ang dispalighadong P100 bills?

Una vez, wala namang inilabas na advisory ang BSP para ipabatid sa publiko na may nailabas silang P100 bills at kung ano ang dapat gawin sakaling mapasa-kamay ito ng sinoman.

Ano’ng malay ng taong nakahawak ng dispalinghadong P100 bills kung peke o hindi ang hawak niyang pera?

Ayaw lang umamin ang BSP sa malaking kahihiyan na inabot nila kaya’t pinalalabas na makaaapekto  umano sa intergridad ng pera ang pagkalat ng mga larawan ng dispalinghadong P100 bills.

Kung ‘di pa kumalat ang mga larawan ng dispalinghadong pera sa social media ay hindi pa matutuklasan ng publiko na marami palang tanga sa BSP.

‘Buti na lang pala, may social media.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

 

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *