Monday , December 23 2024

PDEA tagumpay sa isinulong na drug war (Sa loob ng 100 araw)

NAPAKAHUSAY ng naitalang track records ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang isinulong na giyera kontra droga sa loob ng unang 100 araw, alinsunod sa atas ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ang sabi ng Pangulo, ‘patayin’ (read: puksain) ang malaganap na ilegal na droga sa buong bansa.

‘Patayin’ (read: dakipin) ang mga bigtime pusher at mga user na nagiging instrumento ng iba’t ibang uri ng krimen.

Nakatutuwa na ang kasalukuyang director general ng PDEA na si Aaron Aquino, ay hindi ‘literal’ na inunawa ang ibig sabihin ng Pangulo sa pronouncement na ‘patayin.’

Ang ‘patayin’ sa bibig ni Pangulong Digong ay nagluwal ng iba’t ibang kulay at interpretasyon base kung paano ipinatupad ng kanyang mga ‘lieutenant’ ang kanyang utos, partikular sa giyera kontra droga.

Kung noong panahon na nasa Philippine National Police (PNP) pa ang ‘timon’ sa pagsusulong ng giyera kontra droga ay marami ang bumulagta pero mabibilang sa daliri ang mga naaresto, ngayon sa ilalim ng PDEA ay mas marami ang nadakip at nakompiskang droga at kung may bumulagta man, nananatili ang kuwestiyon kung sino ang utak.

Naniniwala kasi ang maraming law enforcement agency na ang pumapatay ay sindikato rin ng droga.

Sa ulat ng PDEA nitong 27 Disyembre, nakapagsagawa sila ng 3,476 operations, nakakompiska ng P228.81 milyong halaga ng droga at “non-drug” evidence, at nakaaresto ng 1,321 suspects ngunit walang ulat na may napaslang.

INIHARAP sa media nina PDEA Director General Aaron Aquino at PDEA NCR Regional Office Director Ismael Fajardo ang 11.5 kilo ng shabu, P57.5 milyon ang halaga, makaraan makompiska sa cargo office ng isang delivery courier service sa Pasay City. (ALEX MENDOZA)

‘Yan ay mula 12 Setyembre 2017, nang maupo si Aquino sa PDEA bilang kapalit ng ngayon ay Customs Commissioner Isidro Lapeña, hanggang 20 Disyembre.

Isang buwan matapos maupo si Aquino, idineklara ni Tatay Digong nitong 11 Oktubre, ang PDEA na muna ang hahawak ng problema sa droga.

Ito ang ikalawang pagakkataon na binawi ng Pangulo sa PNP ang pagtimon sa giyera kontra droga.

Una ay noong Enero matapos mabunyag na sangkot ang mga pulis sa pagdukot at pagpaslang sa Korean businessman na si Jee Ick-joo, na pinaslang sa loob mismo ng Camp Crame.

At gaya noong una muling ibinalik ng Pangulo ang PNP sa kampanya kontra droga nitong 5 Disyembre pero nanatili ang PDEA bilang lead agency.

Alam ba ninyong sa 100 araw na pamumuno ni Aquino sa PDEA, nakakompiska ng 36,705.61 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu; 16,629.46 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana; 4,343 marijuana seedlings; 50,000 gramo ng marijuana stalks; 1,183.46 gramo ng cocaine; 54 piraso ng ecstasy, at 1.10 ng GHB (kilala bilang ‘date rape drug’ or liquid ecstasy).

Nakapaghain na rin sila ng 2,063 kaso laban sa mga sangkot sa ilegal na droga.

INIHARAP sa media ni PDEA Director General Aaron Aquino ang inarestong 11 indibiduwal, kabilang ang isang doktor, engineer at ilang modelo, makaraan maaktohan habang nagsasagawa ng liquid ecstacy party sa isang hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.
(ALEX MENDOZA)

Naaresto ang 331 high-value targets kabilang ang anim foreigners, 15 elected officials, seven uniformed personnel, 21 government employees, 52 drug group members, three armed group members, 19 listed personalities, 24 drug den maintainers, at 184 iba pa.

Alkalde ang pinakamataas na posisyon ng government official na sinabing sangkot sa droga at nadakip.

Isa pang HVT ang naaresto na nakuhaan ng 20 gramo ng shabu sa buy-bust operation sa BF Homes, Parañaque City.

Ang PDEA rin ang dahilan ng isinagawang ‘pag­lilinis’ sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City na nakuhaan ng 183 grams ng shabu, drug paraphernalia at iba pang kontrabando mula sa kulungan ni convict Yu Yuk Lai.

PDEA aquino Lasala Yu Yuk Lai Diana Yu Uy

Nang araw ding iyon, ang kanyang anak na babae, na si Diana Yu, ay naaresto sa San Miguel, Maynila at 682.92 kilo ng shabu ang nakuha sa kanya.

Mayroon pang dalawang Nigerian na naaresto sa Cavite, at isang  Colombian drug mule na nakuhaan ng 79 pellets of cocaine sa tiyan, at 11 suspeks, kabilang ang isang estudyante, sa Seda Hotel, Bonifacio Global City.

ARESTADO sa buy – bust operation ng PDEA-ROV ang dalawang African drug syndicate na sina Solomon Lewi Anochiwa, 34-anyos, ng Kawit, Cavite, at Desmond Chima Ozoma, 35, ng Parañaque City na iprinisinta nina PDEA director DG Aaron Aquino at Deputy Director for Operations chief Ruel Lasala sa mga mamamahayag kahapon. Nakompiska ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon. ( ALEX MENDOZA )

Umabot na sa 547 barangays ang idineklarang drug-free sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Programs sa unang 100 araw ni Aquino. Drug-free na rin umano ang Romblon province at Tacloban City.

Plano rin magtayo ng Balay Silangan ng PDEA, isang reformation center para sa “voluntary drug surrenderees” na may livelihood and training components; after care services; at, social reintegration programs sa pakikipag-ugnayan sa government at non-governmental organizations.

PDEA director general Aaron Aquino Sir, binasa lang namin ang achievements at program ninyo ay hiningal na kami, e ‘di lalo na kung kami ang gumawa niyan?!

Hindi biro at lalong hindi laro ang trabaho ninyo. Nagpupuksa ng salot na ilegal na droga habang sinusubukang iligtas ang mga ‘lulong’ at ‘tulak’ na nagtatangkang ayusin ang kanilang buhay.

Kudos PDEA chief, Director General Aaron Aquino!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *