PINAALALAHANAN ng Cebu Pacific (CEB) at Cebgo ang lahat ng pasahero na maglaan ng sapat na oras patungo sa airport, check-in go, go through security and immigration checks, at iproseso ang pre-departure requirements.
Ang CEB Domestic Check-in counters ay bukas tatlong oras bago ang scheduled time ng departure at apat oras para sa international flights. Ang lahat ng check-in counters ay isasara 45 minuto bago ang scheduled time ng paglipad, maliban sa mga la-labas ng Middle East (one hour) at Shanghai (50 minutes)
Ang lahat ng check-in counters ay magsasara 45 minuto bago ang schedule time ng paglipad, maliban sa mga lalabas ng Dubai (one hour) at Shanghai (50 minutes).
Ang Cebu Pacific ay nag-deploy ng roving check-in agents sa lahat ng Philippine airports na nag-o-operate ang carrier, kabilang ang NAIA Terminal 3 at Terminal 4. Ang mga ahente ay may iPads with the Levarti MAX Airport application, gayondin ang portable printers. Ito ay upang ma-tsek ng CEB terminal ang mga pasahero, assign seats, ma-facilitate ang bayad sa bagahe at iba pang ancillary services, at mag-imprenta ng boarding passes.
Ang mga pasahero ng CEB at Cebgo ay maaaring mag-check-in gamit ang sumusunod na opsiyon para mabawasan ang oras ng paghihintay at pagpila:
- CEB Mobile Check-in. I-download ang official Cebu Pacific Mobile App Sa App Store o Google Play at i-tap ang Check-In option. Ang CEB Mobile Check-in ay available mula pitong araw (7 days) hanggang apat na araw oras (4 hours) bago ang international flight, at hanggang isang oras (1 hour) bago ang domestic flight.
- CEB Web Check-in. Bisitahin ang Manage Booking section ng Cebu Pacific website (http://www.cebupacificair.com). Para sa international flights, ang web check-in ay available mula pitong araw (7 days) hanggang apat na oras (4 hours) bago ang scheduled flight departure. Ang mga sasakay ng domestic flights ay maaaring mag- web check-in hanggang isang oras (1 hour) bago ang kanilang scheduled departure.
- Self-Check-in Kiosks. Ang mga pasahero sa NAIA Terminals 3 at 4 at piling domestic airports ay maaaring gamitin ang kiosks para mag-check ang kanilang flights walong oras (8 hours) hanggang isang oras (1 hour) bago ang scheduled flight departure.
Ang Domestic Airport na may CEB Self Check-in Kiosks ay ang sumusunod: Bacolod – Bacolod-Silay International Airport; Busuanga (Coron) – Francisco B. Reyers Airport; Caga-yan de Oro – Laguindingan Airport; Clark – Clark International Airport; Davao – Francisco Bangoy International Airport; Dipolog – Dipolog Airport; Ge-neral Santos – General Santos International Airport; Iloilo – Iloilo International Airport; Kalibo – Kalibo International Airport; Legazpi – Legazpi International Airport; Ozamis – Ozamis International Airport; Roxas – Roxas International Airport; Pagadian – Pagadian International Airport; Puerto Princesa – Puerto Princesa International Airport; Tagbilaran – Tagbilaran Airport; Butuan – Butuan International Airport; Zamboanga – Zamboanga International Airport; Butuan – Bancasi Airport.
Ang Domestic web o mobile check-in guests na may check-in luggage ay maaari itong i-drop sa bag drop counter 45 minuto bago ang flight, ma-liban sa mga lalabas ng Middle East (one hour) at Shanghai (50 minutes). Ang International web o mobile check-in guests ay kailangan magpakita sa check-in o bag drop counter isang oras (1 hour) bago ang flight para i-presenta ang valid travel do-cuments.
Ang dedicated bag drop counters (D16-D24) ay avai-lable para sa web at mobile boarding pass holders se NAIA Terminal 3.
Narito ang ilang paalala para sa lahat ng CEB and Cebgo passengers:
- I-tsek ang ang airport terminal screens para sa wastong oras at boarding gate na itinalaga sa. Bagama’t may Public Address system na nag-aanunsiyo, hinihikayat ang mga pasahero na maging higit na alerto sa pag-check sa boarding information. Ang CEB boarding agents ay handang umasiste sa mga pasahero at sasagutin ang mga tanong.
- Tandaan ang timbang ng inyong hand-carry. Pinapayagan ng Ceb ang isa lamang (1) na hand-carry bag na may maximum weight na pitong kilo (7 kilos)
- Ang mga likido, aerosol at gels sa loob ng hand-carry bag ay dapat na nasa container 100 ml or less. Ito ay dapat nakalagay sa clear, re-sealable plastic bag.
- Bumili ng baggage allowance kasabay ng booking, na may opsiyon mula 15 hanggang 40 kilo. Dito ay makatitipid ng hanggang 71% kompara sa babayarang excess baggage fees sa airport.
- Maging maingat. Kung posible, i-lock at iselyo ang inyong bagahe at maglagay ng easily identifiable markers sa inyong check-in baggage. Mahigpit na ipinapayo sa guest na bitbitin ang mahalagang bagay katulad ng pera, alahas at mobile devices.
- Agad dumiretso sa boarding gate makaraan makompelto ang check-in requirements.
- Ang guests ay dapat nasa gate na 30 minuto bago ang scheduled time ng departure.