Monday , December 23 2024

BI employees natuwa sa ‘ibinalik’ na OT pay

MATAPOS payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kita mula sa express lane fees upang ipambayad sa sahod at overtime pay ng mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa 2018 hangga’t hindi pa naisasabatas ang bagong Immigration Modernization  Law, naglundagan sa tuwa ang mga em­pleyado.

Anyway, noong nakaraang linggo pa nila naririnig ang bagay na ito pero kahapon ang kompirmasyon.

Sabi ng Pangulo, “I will allow the establishment of a trust fund to be constituted from the express lane fees and charges collected by the BI for the payment of salaries and overtime to employees of the BI.”

‘Yan mismo ang kanyang veto message na ipinadala sa Kongreso bago niya nilagdaan bilang batas ang 2018 national budget.

Ang special provision na sumasaklaw sa express lane fund ay itatakda ng bubuuing guidelines nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Budget Secretary Benjamin Diokno at ng Commission on Audit (COA).

Matatandaang ipinatigil ni Diokno ang pagbabayad sa OT pay ng mga kawani ng BI mula sa express lane fund noong Abril 2017 dahil ugat umano ito ng korupsiyon.

Nagkaroon ng malawakang pagbibitiw ng mga empleyado sa BI bunsod ng naging desi­syon ni Diokno dahil kulang ang kanilang sahod kung wala ang OT pay.

Sa kasagsagan ng kontrobersiya sa OT pay ay ipinanukala ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco na sertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent bill ang pag-amyenda sa Phi­lippine Immigration Act of 1940 para mabilis na maaksiyonan ng Kongreso bilang solusyon sa suliranin sa sahod ng Immigration employees.

At pagkatapos noon, tinutukan nang husto ni Secretary Vit hanggang i-veto ng Pangulo ang kanyang  dating pronouncement.

Mabuhay and thank you Secretary Aguirre!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *