Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruben Maria Soriquez bilib kina Sharon at Robin

AMINADO si Ruben Maria Soriquez na hanga siya kina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Ayon sa kanya, alam niyang kapwa big stars ang dalawa. Ipinahayag ni Ruben ang kagalakan nang makatrabaho ang Megastar at si Binoe sa Star Cinema movie na Unexpectedly Yours na tumabo sa takilya.

Saad niya, “Happy ako na nakatrabaho siya, masaya kasi katrabaho si Ms. Sharon, always joking. But when she gets into character, mabilis lang niya nagagawa ang eksena niya. In the movie, I play Ricardo, the boss of Patty (Sharon).

“Sayang lang, kasi wala kami scene together ni Robin. But I met him at the premiere night and it was a pleasure and we agreed to meet anew and talk about projects.”

Dagdag ni Direk Ruben, “Oo siyempre naman, sino ba ang hindi mag-e-enjoy na makatrabaho sila? But I would rather say I am humbled and honored to be with stars na katulad ng Megastar at indisputable action star na si Robin.”

Nabanggit din niya ang wish na maidirek ang dalawa sa hinaharap sa magkahiwalay na pelikula. “Yes, gusto ko sila idirek, sina Sharon and Robin sa magkahiwalay na movie. Dapat ay may meeting kami ni Robin, kaya lang ay hindi natuloy dahil sobrang busy ako at sobrang busy din siya. Kapag both of us have time, gusto ko pa rin siya idirek.”

Bakit mo gustong idirek si Robin? “Oh, I like him in the film, Unexpectedly Yours. I like his acting. That’s why, gusto ko siyang idirek din someday sa isang movie.”

Anong theme ng movie, sakaling matuloy ang project mo kay Robin? Sagot niya, “Gusto kong project kay Robin ay action-comedy. Sa palagay ko ay iyon ang bagay sa kanya.”

Si Direk Ruben ay isang Fil-Italian actor/direktor na nagbida sa pelikulang Of Sinners and Saints na siya rin ang director. Co-stars niya rito sina Polo Ravales, Richard Quan, Raymond Bagatsing, Channel Latorre, at Althea Vega. Dito rin siya nanalong Best Actor sa 2015 World Premieres Film Festival-Philippines. Mula rito ay naging bahagi siya ng Dolce Amore na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil, at dito’y lalo siyang nakilala ng madla bilang Italyanong ama-amahan ni Liza.

Si Direk Ruben ay tampok sa forthcoming movie titled The Lease, isang paranormal thriller directed by Italian director Paolo Bertola with Garie Concepcion. At sa The Spiders’ Man, isang black comedy na hinggil sa autism and family ties, na ang ilang eksena ay kinunan pa sa Italy. Kasama ni Direk Ruben dito sina Richard Quan, Jeffrey Tam, Lee O’Brian, Rob Sy, Red Ibasco, at ang misis niyang si Lanie Gumarang.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …