ISA kami sa super proud ngayon kay Coco Martin dahil bukod sa pasado sa kanyang first time directorial job at MMFF entry na “Ang Panday,” siya rin ang bida rito.
Kahapon ay saksi kami kung paano dinumog sa sinehan ng SM North EDSA ang pelikula ni Coco na majority ng mga nanonood ay mga bata kasama Ang kanilang mga magulang o ate at kuya.
Punong-puno rin ang mga sinehan sa Trinoma, SM Megamall atpb at pawang mahaba ang pila ng tao sa probinsIya lalo sa Davao at GENSAN na personal na pinuntahan ni Coco at ng ilang co-stars sa Ang Panday noong magkaroon sila ng provincial tour.
May sinehan rin na standing room at hanggang last full show ay dagsa ang mga manonood. Kaya malaki ang laban ni Coco na makapuwesto bilang no.1 top grosser sa festival at susundan ng The Revenger Squad ni Vice Ganda.
Samantala, ilan sa pelikulang kalahok sa MMFF na palaban sa takilya ang Mean To Beh nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta with Baeby Baste; Haunted Forest ng Regal Entertainment; All Of You nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay; at ang Deadma Walking nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman.
Marami rin ang curious na mapanood ang musical-drama movie na Ang Larawan topbilled by Rachel Alejandro, Joanna Ampil and Paulo Avelino at Siargao kaya malamang na kumita rin ang nasabing mga pelikula.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma