Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Digong, Imee OK sa unilateral ceasefire

MUKHANG “nagdilang angel” si Ilocos Norte Go­vernor Imee Marcos matapos manawagan kay Pangulong  Rodrigo  “Digong” Duterte na magdeklara ng unilateral ceasefire ang pamahalaan laban sa mga rebeldeng komunista ngayong kapaskuhan.

Inayunan ni Digong ang hiling ni Imee na isang unilateral ceasefire ang gawin ng pamahalaan ngayon 24 Disyembre hanggang 2 Enero para maipagdiwang ang araw ng Pasko nang higit na mapayapa at walang nagaganap na patayan sa pagitan ng mga sundalo at NPA.

Bagamat pormal nang winakasan ni Digong ang peace talks ng gobyerno sa grupong Komunista nitong 23 Nobyembre sa pamamagitan ng Proclamation 360, nagawa pa rin magde­klara ng unilateral ceasefire ang pangulo laban sa mga pasaway na komunista.

Ngayon, ang bola ay nasa kamay ng CPP-NPA, kung sila ay magdedeklara rin ng sarili nilang tigil-putukan. Nakalulungkot dahil sa kabila ng pagmamayabang nitong si Joma Sison, pinuno ng CPP, na hangarin nila ay tunay na kapayapaan, hanggang ngayon ay hindi nagpapahiwatig na magdedeklara sila ng sariling ceasefire.

Ang unilateral ceasefire ay magsisimula sa 24 Disyembre at magtatapos sa 2 Enero ng su­sunod na  taon.  Ang tropa ng pamahalaan ay hindi maglulunsad ng opensibang militar nga­yong panahon ng kapaskuhan batay na rin sa kautusan ni Digong.

Masaya si Imee sa unilateral ceasefire na idineklara ni Digong dahil higit na pinalawig pa nito ang kanyang mungkahing dalawang araw na tigil-putukan.

Umaasa rin si Imee na magdedeklara rin ng ceasefire ang grupo ng mga NPA.

Kung tunay ngang nakaiintindi ng propaganda ang mga rebeldeng komunista, gaya ng kanilang ipinagmamalaki, dapat  ay tugunan nila ng kapantay na aksiyon ang naging desisyon ng pamahalaan na magsagawa ng unilateral ceasefire.

Lalong magiging pangit ang imahe ng NPA sa mata ng taongbayan kung tatalikuran nila ang panawagan ng pamahalaan na magdeklara rin sila ng sarili nilang tigil-putukan para sa diwa ng kapaskuhan.

Lalabas din ang tunay na walang kinikilalang Diyos ang mga rebeldeng komunista kung ipagpipilitan nilang ituloy ang giyera sa gitna ng pagdiriwang ng kapaskuhan  ng maraming Katolikong Filipino.

Kung tutuusin, naisahan ni Digong ang mga rebeldeng komunista kung ang pag-uusapan ay propaganda.

Kumbaga, second prize na lang ang grupo ni Joma kung magdedeklara man sila ngayon ng unilateral ceasfire. ‘Ika, nga, huling-kabit na lang ang hirit ni Joma.

Sayang talaga ang pagkakataon, inaksaya lang ni Joma ang peace talks, at ngayon naman ang tigil-putukan.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *