MATAGAL na nating pinupuna sa kolum na ito ang kabalahuraang nagaganap sa Boracay kaya hindi na tayo nagtataka sa balitang binaha ang itinuturing na paraiso ng Filipinas.
Pinuna na natin ang over construction ng mga hotel at iba’t ibang resort sa Boracay.
May nagsasabing, wala umanong maayos na sewerage system ang Boracay kaya bumaha.
Puwede.
Pero ang madalas nating sinasabi noon, halos wala nang regulasyon sa konstruksiyon ng mga gusali. Ultimo ang catch basin ng isla ay tinayuan na ng mga hotel at resort.
Saan pupunta ang tubig kapag umuulan kung ang dati nilang pinupuntahan ay mayroon nang konkretong gusali?!
Saan dinadala ang mga plastic na basura? Saan dumadaloy ang septic tank?
Nakalulungkot ang nangyayari ngayon sa Boracay…
Sabi nga ng isang kaibigan natin, hindi na paraiso ang Boracay.
Nakatatakot isipin na ilang panahon pa, ang Boracay na dating isang paraiso ay magiging isang isla ng mabantot na basura.
Let us save Boracay!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap