ANG kontrobersiya kaugnay sa padalos-dalos na pagbibigay ng Department of Health ng bakuna laban sa Dengue sa ating mga kabataan ay bu-nga ng walang kalingang pagtupad sa tungkulin at pagpapalapad ng papel o pagpapasikat ng mga nasa poder sa kanilang mga padrong politikal.
Dahil sa kapabayaang ito ay nalalagay nga-yon sa panganib ang buhay nang laksa-laksa na-ting mga kabataan na nabakunahan gamit ang bakuna na hindi naman pala inendoso ng World Health Organization (WHO) dahil sa kakulangan ng datos na ligtas itong gamitin, taliwas sa palusot ng dating kalihim ng DOH na si Dr. Janette Garin.
Ayon sa WHO, hindi nila inendoso ang bakunang Dengvaxia sa ating DOH. Nalaman na lamang nila na ginagamit ang bakunang ito sa ating mga kabataan ng DOH, na noon ay pinamumunuan ni Garin, kahit wala pa ang payo o go-signal ng kanilang Strategic Group of Experts.
Gayonman, inilinaw ng WHO na napunuan naman ng ating pamahalaan ang mga alituntunin na kinakailangan sa pagbibigay ng bakuna.
“The WHO noted that the vaccine should be used in areas where a high proportion, or at least 70%, of the population had been exposed to the virus. It also said the vaccine must only be given to people aged 9 and above, and those to be vaccinated must receive 3 doses. (Download a copy of WHO’s position paper http://www.who.int/wer/2016/wer9130/en/).”
Pumutok ang kontrobersya matapos umamin ang gumagawa ng Dengvaxia, ang Sanofi Pasteur, na mapanganib gamitin sa mga hindi pa nagkaka-Dengue ang bakuna dahil kapag tinamaan sila ng sakit, malamang na mas malalang Dengue ang kanilang abutin.
Ayon sa pahayag ng Sanofi Pasteur “the vaccine’s use on individuals who have not been infected by the Dengue virus prior to immunization could lead to more severe cases of Dengue infection.”
Dahil sa ginawang pahayag ng Sanofi Pasteur ay napilitan ang DOH na ipatigil ang pagbibi-gay ng bakuna laban sa Dengue. Dangan nga lamang ay umaabot na sa mahigit 700,000 kabataan ang nabakunahan nito.
Malinaw na kapabayaan at pagwawalang bahala ang ugat ng trahedyang ito. Lumalabas pa, ayon sa mga kuwentong bayan, dahil may mga ibig magpasikat sa kanilang mga pinagkakautangang poder kaya ipinilit na gamitin ang bakuna kahit hindi pa malinaw kung ligtas ang paggamit nito.
Ang mga ganitong opisyal ang dapat dinidiinan at nilalapatan ng mabibigat na parusa dahil lahat ng tinatawag na aggravating circumstance ay may presensiya sa kanilang ginawang kapabayaan. Dapat ninyong pagbayaran ang ginawa ninyo sa taong bayan.
***
Tataas ang ha-laga ng ginto samantala babagsak naman daw ang US Dollar ayon sa isang analyst. Para sa karagdagang detalye ay pas-yalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.