WALONG pelikula ang muling magtatagisan sa takilya sa pagsisimula ng MMFF (Metro Manila Film Festival) sa Pasko.
Kanya-kanya ng pasiklaban sa kanilang mga promo ang bawat pelikula. Napanood ko ang Ang Larawan. Matino sa lahat ng aspeto. Pero hindi pambata.
Matitira ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin sa masasabing kagigiliwan ng mga bata sampu ng kanilang mga pamilya sa nasabing okasyon.
Karamihan sa kanila, trailers lang ang napanood ko.
Ang ikalawang napanood ko eh, ito ngang Ang Panday na si Coco na mismo ang nagdirehe at siya rin ang bida bilang si Flavio.
Noong una, may pagdududa kami na makapuwesto ito sa top 3. Dudang baka wala ng bago pang makita sa kung ilang ulit ng ipinarada sa ating kamalayan na laban sa kadiliman ni Flavio.
Aba hindi, kasi nagpa-impress si Coco o Rodel Nacianceno bilang direktor. Lumebel talaga siya sa isang FPJ na taglay ang pangalangRonwaldo sa kanyang pagdidirehe.
Dumikit na ang aming puwet sa upuan. Wala kaming pinalampas na eksena. Maayos na backstory na inilipat sa kasalukuyan at ang paghahanap sa balaraw o espada na lulutas sa kasamaan ng mundo.
Pakiramdam ko sa journey ni Flavio sumasabay ito sa The Never Ending Story at sa The Land Before Time at marami pang banyagang pelikulang ang realidad eh, hinaluan ng pantasya. Kasi, wala itong pretensiyon. Na habang nagtuturo o itinatanim sa isipan ang values sa mga bata at buong pamilya, nae-entertain ka. Coco or Rodel was able to carry the magnitude of huge scenes. Sumama kami sa pagpasok sa bulkan ng Taal. Sa disyerto ng Ilocos. Sa mga ilog at batis at kabundukan. Nandoon ka kasama siya kaya matutuwa ang mga bata.
Dalawang beses na nagpaiyak si Awra Briguela na comic relief ang bigay noong una pero nagdrama na sa pagbuklat sa kanyang katauhan. May patikim din sa komedi Coco nang may ipinaaamin ito. At ang sagot na patanong lang ni Coco eh, ”Ano? Buntis ka?”
Maraming endearing scenes. At kahit naman sasabihing marami pang kakaining bigas sa pag-arte si Mariel de Leon, naitawid naman niya ang mga eksena with Coco and Jake Cuenca.
Even the villains in the movie, kahit pa nag-crossover din from Ang Probinsyano played their parts so well. Like Eddie Garcia and Michael de Mesa.
Ang sabi ko sa pelikula, it’s got what it takes to make it the number one at the tills.
Fantastic. Fierce. Fearless. Fresh.
Bonus pa ang for the whole family!
Ito ang magandang regalo para sa mga bata!
BF NI JASMINE,
SUPPORTIVE
SAMANTALA, ang mga mahihilig naman sa surfing ang makaka-appreciate sa Siargao ni direk Paul Soriano na ang mga bida ay sinaJericho Rosales, Erich Gonzales, at Jasmine Curtis-Smith.
Sa presscon nila na ginawa sa STKD (Stoked) store ng mga surfboard, mga gamit sa surfing, motorcycles and more na may coffee shop in the heart of Pasig, nakausap namin ang napapabalitang boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega.
Isa pala siya sa may-ari at nagma-manage ng lugar. And he is very accommodating sa tsikahan. Kahit pa alam niyang pawang about his girlfriend ang pupuntahan ng kuwentuhan.
Napag-alaman namin na very supportive si Jeff kay Jasmine. Pero hindi pa sila agad susunod kina Anne (Curtis) at Erwan Heussaff sa paglagay sa tahimik.
“I know how she worked so hard for Anne’s wedding being so hands-on to make it something very special for her sister and Erwan. Kaya, I am just letting her rest and just do the things she wants to do. And it’s a good thing na their movie is showing na kaya mayroon din siyang pagkakaabalahan.”
Jeff said that Jasmine is not a part of his business.
“But we are talking about her being a part of it. I am just making her think about the decision she will make. Of course, hindi naman dapat na i-push. Gusto ko lang na gusto niya talaga ang papasukin niya.”
To be part of it pala eh, milyones din ang ii-invest mo.
Sa kabilang banda, ang nagbuyangyang na ng kanyang angking alindog sa isang inumin na si Erich eh, naging komportable naman sa pagsusuot niya ng skimpy bikinis sa kanilang pelikula.
Sa paggawa ng nasabing pelikula naiugnay si Erich sa kanyang director.
Simple lang ang hirit ni Paul. That his life revolves around his kid.
Lang?
HARDTALK
ni Pilar Mateo