NAMANGHA ang mga kapatid sa panulat sa magandang pagkakagawa ng Ang Panday na ang makabagong bersiyon nito’y si Rodel Nacienceno (Coco Martin) ang nagdirehe.
Swak na swak ang script na ‘di lang mga bata kundi mga teenager, mommy, at daddy pati mga lolo at lola ang tiyak na matutuwa sa pelikula at mag-eenjoy sa panonood.
Panalo rin ang special effects ng movie, may puso at aral na matututuhan ang mga manonood kaya naman buong pamilya ay talagang nakangiti paglabas ng sinehan.
Maging ang mga beki at tomboy ay sasaludo at magpapasalamat kay Coco dahil binigyan sila ng importansiya sa kuwento ng pelikula.
Impressive ang black and white opening scene ng Ang Panday na pinalakpakan ng audience.
May special participation sa pelikula sina Jeric Raval, Jaclyn Jose, at Arjo Atayde at ang mga artista na malapit sa puso ni Coco. Bukod pa kina Mariel De Leon, Kylie Verzosa, Gloria Romeo, Maccoy De Leon, Awra Briguela, Julio Diaz, Jaime Fabregas, Jake Cuenca, Agot Isidro, Albert Martinez, Eddie Garcia, Ejay Falcon, Jhong Hilario, John Medina, John Prats, Joonee Gamboa, Lester Llansang, Lito Lapid, Marc Solis atbp.
MATABIL
ni John Fontanilla