Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BF ni Jasmine, supportive

SAMANTALA, ang mga mahihilig naman sa surfing ang makaka-appreciate sa Siargao ni direk Paul Soriano na ang mga bida ay sinaJericho Rosales, Erich Gonzales, at Jasmine Curtis-Smith.

Sa presscon nila na ginawa sa STKD (Stoked) store ng mga surfboard, mga gamit sa surfing, motorcycles and more na may coffee shop in the heart of Pasig, nakausap namin ang napapabalitang boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega.

Isa pala siya sa may-ari at nagma-manage ng lugar. And he is very accommodating sa tsikahan. Kahit pa alam niyang pawang about his girlfriend ang pupuntahan ng kuwentuhan.

Napag-alaman namin na very supportive si Jeff kay Jasmine. Pero hindi pa sila agad susunod kina Anne (Curtis) at Erwan Heussaff sa paglagay sa tahimik.

“I know how she worked so hard for Anne’s wedding being so hands-on to make it something very special for her sister and Erwan. Kaya, I am just letting her rest and just do the things she wants to do. And it’s a good thing na their movie is showing na kaya mayroon din siyang pagkakaabalahan.”

Jeff said that Jasmine is not a part of his business.

“But we are talking about her being a part of it. I am just making her think about the decision she will make. Of course, hindi naman dapat na i-push. Gusto ko lang na gusto niya talaga ang papasukin niya.”

To be part of it pala eh, milyones din ang ii-invest mo.

Sa kabilang banda, ang nagbuyangyang na ng kanyang angking alindog sa isang inumin na si Erich eh, naging komportable naman sa pagsusuot niya ng skimpy bikinis sa kanilang pelikula.

Sa paggawa ng nasabing pelikula naiugnay si Erich sa kanyang director.

Simple lang ang hirit ni Paul. That his life revolves around his kid.

Lang?

HARDTALK
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …