Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amo, ‘di maipalabas; Balitang paglipat ni Derek, ikinabahala

HINIHINTAY naming ang aming sundo pagkatapos ng aming trabaho sa TV5 nang makasabay naming papalabas din ang isang tauhan mula sa marketing division ng naturang network.

Kinumusta namin kung kailan ang petsa ng airing ng teleserye ni Derek Ramsay, ang Amo, na dapat sanay umere na noong August. Drug-themed ang nasabing serye na ipalalabas lang sa loob ng anim o pitong Sunday, mula sa direksiyon ni Brilliante Mendoza.

Dinig kasi nami’y ang problema ay nasa marketing side, tamang tao ang aming kausap ng mga sandaling ‘yon. Pero itinanggi niyang sa kanyang departamento ang pagkukulang.

“Call ‘yon ng programming,” paglilinaw niya. Panay-panay at paulit-ulit kasing umeere ang plug ng Amo sa TV5, ‘yun nga lang, walang airing date.

Pero isa lang ang tiyak, ikinabahala pala ng pamunuan ng TV5 ang nalathalang balita kamakailan na lilipat na uli si Derek sa ABS-CBN. Maging ang manager nitong si Joji Dingcong ay natensiyon sa balita.

Ang alam kasi nami’y sa 2018 pa magtatapos ang kontrata ni Derek sa Kapatid Network. At mismong ang hunk actor na rin ang nagsabing at saka siya magdedesisyon once mag-expire ang kanyang contract.

Funny lang, kontratado si Derek sa TV5 pero kapag kinumusta mo naman kung saang show siya napapanood ay wala siyang puwedeng isagot.

Maliban sa “ngangers.”

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …