Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Political career ni Bato nakasalalay sa BuCor

NANINIWALA si Senadora Cynthia Villar, nakasalalay ang political career ni PNP chief, Director General Ronald Bato Dela Rosa sa magiging performance niya sa Bureau of Corrections sakaling maging hepe o director ng BuCor.

Ayon kay Villar, kung may plano si Dela Rosa na tumakbong senador sa susunod na halalan, dapat pagbutihin niya ang trabaho at maresolba ang matagal nang problema sa drug operation sa loob ng New Bilibid Prison.

Naniniwala si Villar na alam ni Bato ang problema sa BuCor kaya siya ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag natapos na ang kanyang termino sa PNP.

Hindi makapagbigay ng pahayag ang senadora kung mareresolba ni Dela Rosa ang drug operation sa loob ng Bilibid na pinatatakbo ng bigtime drug lords.

Dagdag ni Villar, nakasalalay mismo kay Bato kung mapupuksa niya ang drug traders sa NBP at dito rin aniya nakasalalay ang kanyang political career base sa kanyang magiging performance.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …