NANINIWALA si Senador Bam Aquino na gaganda ang kalidad ng internet sa bansa at bababa ang presyo sakaling maipasa ang panukalang Open Access in Data.
Paliwanag ni Aquino, ang naturang panukala ang siyang mabubukas sa industriya ng data service provider sa bansa.
Suportado ni Aquino ang naturang panukala dahil naniniwala siya na maraming papasok na mga service provider na kompanya sa bansa.
Aniya, kapag naging batas ay mas kaunti ang “restrictions” sa mga kompanya na papasok sa bansa sa pagkuha ng mga permit at prankisa.
Umaasa si Bam na kapag pumasok ang industriya ay dadami at lalawak ang kompetisyon kaya gaganda ang kalidad ng internet at bababa ang presyo o bayarin ng internet.
(CYNTHIA MARTIN)