Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dawn Zulueta sobrang nag-enjoy sa MMFF movie nila ni Bossing Vic Sotto na “Meant To Beh” (Movie with a heart para sa actress)

OBYUS na nag-enjoy nang husto si Dawn Zulueta sa paggawa ng reunion movie nila ni Bossing Vic Sotto na “Meant To Beh.”

Ayon sa description ng magandang actress ay pelikulang may puso.

“It’s a movie with a heart.”

Kitang-kitang masaya si Dawn sa muli nilang pagtatambal ni Bossing Vic, na una niyang nakatambal noon sa “Okay Ka Fairy Ko” na isang fantasy at hit show noon sa GMA 7 at naging blockbuster ang movie versions.

“Pero rito, wala munang fantasy, ipapakita namin ang relasyon ng family, ang family’s life lessons and values,” sey ni Dawn.

“Muli akong nag-enjoy na kasama si Bossing, na-miss ko na siyang makatrabaho. Actually ganoon pa rin siya, hindi siya nagbabago. Hindi siya tumatanda at sabi ko, yummy pa rin siya. At sa set hindi kami nagugutom, laging maraming pagkain,” pagbibida niya sa kanyang leading man na komedyante.

Nang tanungin naman kung bakit niya tinanggap ang isang comedy movie e, sanay ang tao sa kanya sa drama.

“Natuwa nga ako nang i-offer sa akin itong  movie, sabi ko iba naman, dahil laging drama ang mga teleseryeng ginagawa ko, saka basta naman maganda ang project, drama o comedy man, tatanggapin ko.

Lalo na nang malaman kong for the MMFF ito, hindi talaga ako tumanggi, na-miss ko na rin ang pagsakay sa float.”

Hindi pala naniniwala si Dawn sa competition sa iba pang entries. “Hindi ako affected ng competition. Kasi para sa akin naman, kaya nga it’s a festival, it’s for all of us to show kung ano ang naihanda natin para sa publiko,” katuwiran niya.

“Masaya kasi lahat ng mga kasama namin, magagaling din. Mga mahal ko rin iyan. Si Coco (Martin), si Vice (Ganda). Exciting din , kasi mukhang maganda rin ang ipakikita ng kanilang pelikula. Dapat panoorin lahat,” pag-iimbita ni Dawn sa lahat.

Bukod sa kanila ni Bossing, kasama rin sa Meant To Beh, ang cute at bibong si Baeby Baste, Andrea Torres, JC Santos, Daniel Matsunaga, Ruby Rodriguez, Sue Ramirez at ang love team nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

May special partipation ang tatlong popular lolas na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros at ang loves ni Bossing na AlDub na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Si Direk Chris Martinez ang nagdirek nito at showing na in cinemas nationwide sa Dec. 25.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …