Sunday , January 12 2025

Nikko Natividad, sobrang thankful sa pagiging bahagi ng Hanggang Saan

AMINADO ang Hashtag member na si Nikko Natividad na hindi siya halos makapaniwala na kasali siya sa isang teleserye. Ang Bulakenyong dating waiter ay malayo na nga ang narating mula nang tanghalin siyang grand winner sa Gandang Lalaki contest sa It’s Showtime three years ago.

Sinabi ni Nikko na hindi niya inaasahan ang pagdating ng mga blessings na ito, lalo ang pagkakaroon ng teleserye. “Hindi ko po talaga ine-expect ito, nakaka-overwhelm po, first time ko kasing magkaroon ng teleserye. Kaya kumbaga, panibagong kaba po ito sa akin at kakaibang experience rin po sa akin ito,” aniya.

Ngayon ay sunod-sunod ang projects ni Nikko. Bukod sa mga movie projects, tatlo ang TV show niya kabilang ang It’s ShowtimeUmagang Kay Ganda, at ang drama series nga nilang pinagbibidahan nina Ms. Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

Mas kilala ka bilang komedyante o kengkoy kapag nakikita sa TV, kinabahan ka ba rito dahil drama series ito? “Para sa akin ay masaya ako sa role ko rito at gusto ko ‘yung character ko rito. Always naman po akong kinakabahan lalo at hindi ko pa kilala ang mga ka-work ko from staff to artist. Kaya ang ginagawa ko, basta pinaghuhusayan ko na lang ang work ko po,” saad ni Nikko.

Naka-eksena mo na ba sina Arjo at Ms. Sylvia? Kumusta silang katrabaho?

Tugon niya, “Si Arjo pa lang po ang naka-eksena ko. Noong na-meet ko pa lang siya sa tent, sobra na akong nahihiya, nai-intimidate ako, kasi alam ko na magaling talagang actor si Arjo at pinapanood ko siya sa Ang Probinsyano. Kaya hindi ako makapaniwala na makaka-work ko siya at bestfriend ko pa siya rito sa Hanggang Saan.”

Ipinahayag din ni Nikko ang pagkabilib sa galing ni Arjo as an actor. “Bilib na bilib po, noon pa man ay gusto ko na siya as an actor, magaling siya at versatile, na kahit saan ay puwedeng isabak.”

Ano ang masasabi mo sa ibang casts ng Hanggang Saan tulad nina Yves Flores, Maris Racal, at Marlo Mortel at sa magandaang ratings ng iyong serye?

“Okay naman po silang katrabaho, mga friendly po sila talaga. At bago pa naman ang teleseryeng ito, kakilala ko na po sila. Mas lalo kaming nagiging close, every taping.

“About naman po sa mataas na ratings ng Hanggang Saan, masayang-masaya siyempre dahil alam naman natin na kapag mataas ‘yung ratings, mahaba ang buhay sa TV. And siyempre, masaya rin dahil alam namin na nagugustuhan ng mga tao ‘yung ginagawa namin,” saad ni Nikko.

RAYANTHA LEIGH,
BINIGYAN NG AWARD
NG PC GOODHEART
INTERNATIONAL
FOUNDATION NI BABY GO

ISA ang talented na young recording artist na si Rayantha Leigh sa binigyan ng award ng PC Goodheart International Foundation ni Ms. Baby Go. Matagumpay ang ginanap na 2017 Diamond Golden Awards nite ng nasabing foundation sa Marco Polo Hotel last December 2, 2017.

Kaya sobra ang saya ni Rayantha sa naturang parangal.

“I feel very thankful and happy to receive an award from PC Goodheart Foundation because not everyone can receive an award from them.”

Sa naturang event ay nabanggit ni Ms. Baby na sina Rayantha, pati ang dalawang talented na bagets na sina Kikay at Mikay na awardee rin that night ay isasama niya sa mga pelikula ng BG Productions. Ano ang reaksiyon ni Rayantha rito? “Sobrang happy po siyempre, kasi, I also want to be an actress. In my school, I love joining plays and when there are projects that involve acting or role playing, they always choose me because they really like my acting.

“Sa mundo po ng showbiz ngayon, they are looking for not only singers, but also they look for the ones that know how to sing, dance and act. If I were to have a movie, I don’t really choose a specific genre. I want to have try others too and I want to have a wide know­ledge in acting.”

Sino ba ang idol ni­yang young star? “Ang young star that I idolize right now is Moira Dela Torre. Not only because she is popu­lar now, but I really admire her voice. She sings her songs with feelings and her voice is very relaxing po talaga.”

Nabanggit din ng ina ni Rayantha na si Mommy Lanie ang pasasalamat kay Rodell Salvador na gumawa ng magandang gown ni Rayantha sa naturang awards night. “Thanks to Mama Rodell Salvador, marami na si­yang dinamitan na sikat na artista katulad ni Anne Curtis. Sobrang thankful kami sa kanya kasi po kahit hindi pa sikat si Rayantha, napili rin niyang gawan ng gown si Rayantha.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *