Friday , November 22 2024

Mga gustong magsipsip sinopla ng pangulo

IDOL ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang yumaong Cuban president na si Fidel Castro.

Bago pumanaw ang matalino, magiting at makabayang presidente ng Cuba, inihabilin niya sa kanyang kapatid na si Raul Castro na huwag gamitin ang kanyang pangalan para ipangalan sa mga institusyon, kalye, building, hall at iba pa.

Kay Pangulong Digong naman, ayaw niyang isabit ang kanyang retrato sa mga paaralan, sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan at sa iba pang institusyon.

Para sa kanya, ang dapat makilala ng mga bata ay mga tunay na bayani.

Huwag daw ‘yung mga politiko na naaasunto ng kasong korupsiyon.

‘Yan ang problema ng mga sipsip ngayon. Tablado sila kay Tatay Digong.

Kaya ‘yung mga mahilig magpa-retrato kay Tatay Digong at idi-display pa sa kanilang social media account, sa kanilang mga opisina at sa kanilang mga cellphone, magsitigil kayo, hindi ‘yan uubra sa Pangulo.

Kaya please lang po, dear teachers and principals, ang ilagay ninyo sa classrooms, retrato ni Gat Andres Bonifacio, Gat Jose Rizal, Heneral Antonio Luna, Macario Sakay, Apolinario Mabini, Emilio Jacinto at iba pang mga tunay na ba­yani.

Sundin po ninyo ang Pangulo at huwag magsipsip at magpa-epal.

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *