Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Halikang Arjo at Sue sa Hanggang Saan pinag-uusapan at patok sa netizens

Lubos ang kilig na handog ng tambalan nina Arjo Atayde at Sue Ramirez sa Kapamilya ser­yeng “Hanggang Saan” at lalo pang uminit ang hapon sa matamis na kissing scene ng dalawa noong Lunes (Dec 11) na nagpatunay sa kanilang on-screen chemistry na puring-puri ng kanilang dumaraming fans.

Binansagang ArSue ng kanilang masusugid na tagahanga, hindi napigilan ng netizens ang pagkasabik sa unang pagdampi ng mga labi ng mga karak­ter ng dalawa na sina Paco at Anna hindi lang dahil sa nakakikilig na eksena, pati na rin sa kanilang mahusay na pagganap.

“Kahit ‘di ako nakapanood sa TV pero ‘yung puso ko, sabog na sabog! Si Arjo ba unang naka-kissing scene ni Sue na leading man? Sobrang kilig,” sabi ni @jazzie_tagud.

“Masaya ako na si Arjo ang ka-partner ni Sue sa show na ‘to. Pareho silang mahusay sa pag-arte. Mabubuti pa ang kanilang puso,” papuri naman ni @marydanguilan.

Sabi ng Twitter user na si @Raz_Elle, “Mabuti at nakukuha na nina Arjo at Sue ang kanilang well-deserved breaks. Matagal ko nang hinihintay mag-shine si Sue at alam naman natin kung gaano kahusay si Arjo.”

Kinakapitan nga ng mga manonood tuwing hapon ang kuwento ng pag-iibigan nina Paco (Arjo) at Anna (Sue) na unang nagkakilala nang mag-apply bilang drayber ang binata ng dalaga. Mula sa pagkakaibigan ay nauwi sa pagmamahalan ang kanilang samahan na naging tulay u­pang pagtagpuin ang landas ng kanilang mga pa­milya. Ngunit ang hindi nila alam, matagal nang konektado ang kanilang mga buhay dahil sa katotohanang ang ina ni Paco na si Sonya (Sylvia Sanchez) ang pumatay sa ama ni Anna.

Parehong nag-umpisa sa pagiging third wheel ng malalaking loveteams sina Arjo at Sue, kaya naman masaya sila ngayong nabigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng sarili nilang katambal sa isang serye.

“Kahit before po sa interviews ko, sinasabi ko talaga na gusto ko makatrabaho si Arjo. Thankful ako to GMO unit for giving me the chance na makasama siya sa show,” pasasalamat ni Sue sa team ng business unit head na si Ginny Monteagudo-Ocampo (GMO).

“Matagal ko na ring gustong makasama si Sue. Naniniwala ako sa pagtatrabaho kasama ang mga taong alam kong may matututuhan ako, at gano’n si Sue,” sabi naman ni Arjo.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng palabas, panibagong yugto ang haharapin nina Paco at Anna ngayong opisyal na silang magkasintahan. Ngunit ano nga ba ang kahihinatnan ng kanilang pag-ibig sa puntong  malaman nila ang sikreto ni Sonya?

Panoorin ang seryeng magpapakita kung hanggang saan ang pagmamahal ng isang ina para sa anak sa “Hanggang Saan,” tuwing hapon pagkatapos ng “Pusong Ligaw” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable 167). Para sa updates, mag-log on lang sa fb.com/hanggangsaan at i-follow ang @hanggangsaantv sa Twitter at @hanggangsaan sa Instagram.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …