Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May misteryo ba sa pagkasunog ng warehouse ng Albri’s Food Philippines, Inc.? (Attn: BIR, QC BPLO)

HANGGANG sa kasalukuyan, hindi pa rin masagot-sagot ng Quezon City Fire Division na pinamumunuan ni S/Supt. Manuel M. Manuel alyas Triple M kung bakit nasunog ang warehouse ng Albri’s Food Philippines, Inc., sa California Village sa San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

At ‘yun ang hindi natin maintindihan kung magkano ‘este ano ang dahilan?!

Gusto tuloy natin tanungin, ‘yan bang alcohol na nasunog ay imported o local?

Mayroon daw kasing nakuhang imported isotainers sa mga nakitang labi ng sunog.

At kung imported ang mga alcohol na ‘yan, nagbabayad ba sila ng tamang excise, ad valorem, VAT at iba pang uri ng buwis?!

Sigurado ba ang Albri’s na hindi mali ang deklarasyon nila sa Bureau of Customs (BoC)?!

Kung hindi imported ang ginagamit nilang alcohol, kanino o saang distillery sila umaangkat?

Anong alcohol ba ‘yan? Denatured alcohol ba ‘yan? Bakit may nakuhang drums ng alcohol sa nasunog na warehouse?

Pinapayagan ba ang repacking ng denatured alcohol?

At gaya ng tanong natin, nagre-repack ba ang Albri’s Food Philippines Inc., base sa isinasaad ng kanilang company profile sa lugar na kinaganapan ng sunog?

Kung nagre-repack ang Albri’s, hindi ba na­kita nina Kernel Triple M, na mayroong malaking paglabag ang nasabing establisyemento?!

Itinatakda ng batas na ang ganitong mga pagpoproseo ay dapat na ginagawa sa isang distil­lery plant na nasa ilalim ng kondukta at sinasaksihan ng Revenue Officer On-Premise (ROOP) na nakatalaga sa tinukoy na planta.

Kailangang saksihan ito ng ROOP dahil ang lahat ng pagbili ng denatured alcohol mula sa source o supplier na distillery plant ay kinakai­langang sinusuportahan ng Excise Tax Removal Declaration (ETRD).

Sa pagkakataon na ang volume ng biniling denatured alcohol na natanggap mula sa distillery ay labis o kulang sa volume na nakatala sa mga dokumento, ito ay muling tatasahin upang maitakda ang tamang multa o dapat bayaran.

Kaya ang tanong, ang warehouse ba na ginagamit ng Albri’s Food Philippines Inc., sa California Village ay ginagamit din ba nilang distillery plant?!

Quezon City Business Permits and Licensing Office chief, Gary Domingo, sir, huwag pakaang-kaang sa kaso ng Albri’s?!

QC BPLO chief, Gary Domingo ang higpit ninyo sa maliliit na negosyanteng tumatalima sa batas, pero sa mga kagaya ng Albri’s, bulag kayo?!

Magkano ‘este anong dahilan?!

UNANG SPORTS
COMPLEX SA CALOOCAN
TAGUMPAY NI MAYOR
OCA MALAPITAN

SA dinami-dami ng naging alkalde at elected officials ng Caloocan City, isang Mayor Oscar Malapitan lang pala ng makapagpapatayo  ng sports complex sa makasaysayang lungsod na kilalang kinilusan ni Andres Bonifacio

Marami ang natuwa sa sports complex na may kabuuang 16,773 sqm lot na matatagpuan sa Bagumbong. Ito ay limang kilometro hilagang-silangan ng Novaliches at 10 km sa hilaga ng SM Fairview.

PINANGUNAHAN nina Senadora Cynthia Villar at Mayor Oscar Malapitan ang ceremonial ribbon cutting sa pagbubukas ng Caloocan City Sports Complex sa Bagumbong, Caloocan North. Ang pagpapasinaya sa bagong sports complex ay sinaksihan ng maybahay ng alkalde na si Edna at ni Vice Mayor Macario Asistio. Dumalo rin sa seremonya sina 1st District Rep. Dale Gonzalo Malapitan, mga miyembro ng konseho ng lungsod, department heads, at mga bisita. (JUN DAVID)

Ang sports complex ay binubuo ng dalawang covered basketball courts na may digital scoreboards, bleachers, ticketing office, mga locker room, movable floorings.

Magtatagpuan din sa complex ang isang semi-Olympic size, na may anim na lane swimming pool; 12 gazebos, open basketball at badminton court; at jogging path.

Ang sports complex ay naglalaman nang halos 2,500 katao.

Ang sports compound ay may sapat na parking space para sa mga manlalaro, mga mahilig sa sports, paradahan para sa mga bus, kotse, motorsiklo at probisyon para sa mga PWD.

Sa pasinaya ng sports complex, kasama ni Mayor Oca ang ibang opisyal ng lungsod, mga department head, empleyado, bisita, mag-aaral, at mga delegado mula sa sister-city Dong-Gu, Incheon, South Korea.

Kung hindi tayo nagkakamali, matagal nang pangarap ni Mayor Oca na magkaroon ng sports complex sa Caloocan.

“Ang pangarap ay isa na ngayong katotohanan. Ang sports complex na ito ay magsisilbing lugar ng pagsasanay para sa ating mga lokal na atleta at isang venue para sa iba’t ibang kompetisyon sa sports.”

Buena mano na palang nakapaglaro ng basketball ang Caloocan Supremos at celebrity basketball players na sinundan ng isang laban sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Elite Blackwater.

Congratulations, Mayor Oca!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *