ANG ating kultura ay may katangiang nagmamadali. Ito ay kulturang walang pasensiya sa proseso, pagsisinop o mahabang gawain kaya isa sa pinakatatak nito sa ating buhay ang salitang “instant.”
Simula nang mauso ang mga bagay na “instant” sa ating mga iniinom at kinakain tulad ng instant coffee, instant noodles, instant chocolate o instant milk ay tila lahat na ay ibig na natin gawing “instant.” Gusto natin ng instant trabaho, instant yaman, instant kalusugan, instant kain, instant ligaw, instant syota, instant asawa, at instant…instant…instant.
Madali na tayong mainip ngayon kaya lahat ay ibig natin gawing madalian. Nawawalan na tayo ng pasensiya, ng tiyaga at pagtitiis kaya ultimo problema ng bayan tulad halimbawa ng kahirapan, corruption at paglaganap ng bawal na gamot, ang solusyon na naiisip ng mga pul-politiko ay instant din, extrajudicial killing o EJK.
Ang kulturang nagmamadali o instant na ipinamana sa atin ng mga kanluranin ang isa sa mga sagabal sa ating makabuluhang pag-unlad. Dahil din dito ay nawalan na tayo ng kakayahang manahimik sa isang tabi, maglimi’t magnilay. Para bagang ang pagtigil natin ay malaking kahinaan at magbubunga ng kawalan.
Hindi na tayo tumitingin ngayon sa kinabukasan dahil palaging nakatuon ang ating pansin sa mabilis na ngayon. Kaya ano ang aasahan natin kundi ang kawalang tibay ng ating mga plano’t ginagawa. Dahil instant ang lahat sa atin ay instant din kung ito ay mawala.
Sa totoo lang, ang kulturang nagmamadali ay kultura ng katamaran at kamangmangan. Walang iiwang “legacy” at dunong ang ating henerasyon sa ating salinlahi kung hindi tayo titigil sa ating instant mentality.
***
Nagbabala ang Tsina kamakailan na lulusubin na nila ang Taiwan kung sakaling magpadala doon ng barkong pandigma ang United States.
Matatandaang ang Taiwan ay hindi kinikilala bilang isang bansa ng Tsina. Ito para sa kanila ay isang alibughang lalawigan.
Harinawa ay may plano na ang kasalukuyang administrasyon para sa mga kababayan natin doon sa Taiwan kung sakaling biglang sumiklab ang digmaan doon. Sana ay hindi lamang sila nakatunganga habang umaasa na walang mangyayaring gulo at lilipas din ang isyung ito.
***
Madilim daw ang hinaharap ng Karapatang Pantao sa Filipinas ayon sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.