Monday , December 23 2024

Dengvaxia at Crime against humanity

TINAKOT daw si dating Department of Health (DOH) secretary Paulyn Ubial kaya’t napilitan si­yang ituloy ang pagpa­patupad ng maanomal­yang pagbakuna at pagturok ng Dengvaxia sa mga kabataan na ka­ramihan ay mag-aaral.

Ayon kay Ubial, kabilang ang mga hindi niya pinangalanang mambabatas sa Kongerso na nagbantang siya ay mabibilanggo kapag hindi itinuloy ang konhtro­bersiyal na programa.

“People, even in Congress, told me, ‘You will go to jail, doctora, if you do not implement this program because there is a contract. You have to honor that contract,’” ani Ubial sa imbestiga­syon ng Senado noong Lunes.

Parang inamin na rin ni Ubial na mas pinili ni­yang isalba ang kanyang sarili sa mga banta ng mga hindoropot na mambabatas kaysa pahalagahan ang kapakanan ng napakaraming kabataan na nanganganib ngayon ang buhay dulot ng dispalinghadong bakuna.

Mula’t sapol, ang mga tulad ni Ubial ay walang karapatang pumasok na empleyado o opi­syal sa pamahalaan na ang pangunahing tungkulin bilang public servant ay isaalang-alang ang kapakanan ng publiko at mamamayan.

Bakit ngayon lang ipinagtapat ni Ubial ang mga sinasabi niyang pananakot at banta sa kanya pagkatapos maganap ang malaking krimen na gawing “Guinea pig” ang mga walang malay na kabataan?

Sa madaling sabi ay puwesto at kapangyarihan ang pangunahing dahilan ni Ubial sa pagpasok sa pamahalaan para pagsilbihan ang kanyang sariling interes.

Umasa siguro si Ubial na makapaglalambitin siyang kalihim ng DOH kaya mas minabuti niyang sundin ang mga kumita sa malaking proyekto ng kahayupan sa mga batang musmos na nabakunahan.

Malas niya, nagantso siya ng mga mambabatas na nagbasura sa kanyang appointment sa DOH matapos ma-reject ng Commission on Apointments (CA).

May mga batas na nilikha bilang gabay na dapat sundin ang mga nasa pamahalaan kaya’t hindi maaaring ikatuwiran ni Ubial na kanyang itinuloy ang mapanganib na pagbakuna dahil sa mga banta at pananakot sa kanya.

Hindi na kailangan pang patagalin ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso sa mga dapat managot, mula kay dating Pang. Noynoy Aquino na pinayagan ang nakakikilabot na proyekto laban sa sangkatauhan.

Ang mga dating opisyal ng DOH at si Ubial ay pare-parehong “guilty” at dapat mapanagot sa karumal-dumal na krimen ng maramihang paglipol na kung tawagin ay “crime against humanity.”

Unang nalabag na batas ang Election Ban  dahil sakop na ng election period ang kontrata.

Walang binabanggit ang mga damuho kung nasunod ang Procurement Law sa pagbili ng Dengvaxia vaccine.

Ikatlo ang Republic Act 6713, ang Code of Conduct and Ethical Standard for Public Employees and Officials na Biblia ng mga nasa pamahalaan.

Wala nang mas matibay pa na mapanghahawakan sana si Ubial kung kanyang sinunod ang RA 6713 sa harap ng mga sinasabi niyang banta at pananakot laban sa kanya.

Dahil bilyones ang sangkot na halaga at maliwanag pa sa sikat ng araw ang conspiracy o naganap na sabwatan sa kontrata ng Denvaxia, pasok ang kaso sa plunder na walang piyansa.

Pero matagal pa ‘yan dahil sa naagnas na justice system sa bansa.

At kung may mas mataas pa sana sa plunder ay ‘yun ang dapat isampang kaso laban sa kanila.

Matuluyan man o hindi na mapahamak ang mga nabakunahan ay napakalaking problema ito sa magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine na gabi-gabing hindi mapagkatulog.

Tiyak na ang iba sa kanila ay palihim na lang na lumuluha sa hatinggabi habang pinagmamasdan ang kanilang mga anak na sinasabayan ng dalangin.

Isang matibay na ebidensiyang alam ng mga nasa likod ng kahayupang ito ang panganib, ang pagpapapirma ng waiver sa mga magulang ng bata na binakunahan.

Ang dapat sa mga may kinalaman na maipatupad ang anti-dengue program ay sila naman ang bakunahan ng Dengvaxia para makabawi ang mga biktima.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *