Friday , May 16 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Magkano ‘este ano na ang nangyari sa nasunog na alcohol warehouse sa Quezon City?! (ATTN: DILG/BFP)

NAGTATAKA ang mga residente sa California Village sa Barangay San Bartolome, Quezon City kung bakit tila tahimik na ang mga awtoridad sa pagkasunog ng isang warehouse sa kanilang lugar.

Naghahanap ng klarong resulta ng imbestigasyon ang mga residente at iba pang negosyante sa nasabing lugar lalo nang matuklasan nilang ang pinagmulan ng sunog ay isang truck na may kargang ethyl alcohol.

Bukod sa truck na may kargang ethyl alcohol, natuklasan ni Sr. Supt. Manuel M. Manuel ng Bureau of Fire Quezon City na mayroon pang 30 container na kinalalagyan ng alcohol ang nasunog na bodega.

Sa ulat sa DZRH News , ang nasabing lugar o warehouse ay inuupa­han umano ng Albis Trucking Inc.

Pero batay sa ilang record, Albri’s Food Philippines Inc., ang nag-o-operate sa nasabing solar.

Nitong nakaraang 22 Nobyembre (2017) naganap ang malaking sunog pero hanggang ngayon, wala pa rin klarong ulat ang tanggapan ni S/Supt. Triple M kung ano ang pinagmulan ng sunog.

“The cause of the fire is still under investigation.” ‘Yan ang nganga ‘este ulat ng tanggapan ni Sr. Supt. Triple M, kahit malinaw na inihayag ng mga residente na ilang beses silang nakarinig ng pagsabog, bago at habang nagaganap ang sunog.

Noon lang din nila nabatid na alcohol pala ang inilalagak sa nasabing warehouse.

Wattafak!?

Sa company profile ng Albri’s Food Philippines Inc., sila ay distributor at wholesaler ng Ethyl Alcohol, Denatured Alcohol, Carbon Dioxide, An­hydrous Ammonia, Ethyl Acetate, Methanol.

Sila ay may selling categories para sa Chemicals > Chemical Alcohol; Chemicals > Electronics Chemicals; Chemicals > Flavour and Fragrance; Chemicals > Paint & Coatings; at Chemicals > Printing Inks. At may buying categories para sa Chemicals > Chemical Alcohol; Chemicals > Printing Inks; Chemicals > Rubber Chemicals; Chemicals > Other Organic Chemicals; at Chemicals > Other Chemicals.

Ibig sabihin, iba’t ibang klaseng alcohol at chemical pala ang negosyo ng Albri’s Food Philip­pines Inc.

Sa kanilang Securities and Exchange Commission (SEC) registration, sinabi ng Albri’s na ang kanilang primary purpose ay “to engage in the business of food manufacturing and trading.”

Isa sa mga nakarehistrong may-ari ng Albri’s ay isang Alberto B. Lim na may tanggapan sa 13-A Mindanao Ave., Bgy. Pag-asa, Quezon City.

Ang tanong ng mga residente, kung ang Albri’s ay nagmamanupaktura ng iba’t ibang klaseng chemical at alcohol, ligtas pa kaya ang kanilang komunidad sa sunog? Hindi na kaya maulit ang naganap na sunog sa warehouse ng Albri’s? Ang pagmamanupaktura ba ng iba’t ibang klaseng alcohol ng Albri’s ay naaayon sa umiiral at itinatakdang batas ukol sa nasabing chemical?!

Makatulong at masagot kaya ni QC Fire chief, S/Supt. Triple M ang paglutas sa misteryong ito?

Abangan mga suki, may kasunod pa po ang mga tanong na ‘yan!

IMMIGRATION
‘CASINO’ OFFICER
(ATTN: SOJ VITALIANO
AGUIRRE)

TINGNAN nga naman ninyo, ‘pag talagang minsan ay susuwertehin tayo…

Akalain ba ninyong, isang bubwit natin ay namataan ang isang nilalang na kagulat-gulat ang sistema ng paglalaro sa isang Baccarat game sa City of Dreams casino.

Kontodo porma at naka-uniporme pa raw si kolokoy at tipong ini-enjoy ang mga matang namamangha sa kanyang klase ng pagsusugal sa isang VIP room!

Talaga lang ha?!

Well, tayo ay sanay nang makakita ng mga ganyang government officials at employee na nagsusugal sa casino.

Pero ang isa talagang nakapagpadilat sa mata ng ating bubwit, ang kanyang maangas na pagpapakilala sa isang kapwa sugarol na Koreano sa Baccarat table.

Ayon sa kanyang binitiwang kataga sa dayuhan, siya raw ay isang (hold your breath) — taga-airport at nagtatrabaho bilang isang “Immigration Officer!”

Pakengshet!

Hindi lang po ‘yan!

Sabay bunot pa ng kamoteng sugarol sa kanyang Immigration ID at buong pagmamalaking ibinuyangyang sa harap ng kausap na Koreano para mapaniwalang siya ay genuine Immigration Officer.

At talagang very proud pa si “o-gag!”

“If you need anything or assistance in Immigration, just call me! I’m from immigration!”

Ito ang nakatutulig na pahayag ng nasa­bing casino customer na nagkataon na isa palang ‘Immigration Officer sa NAIA!’

At huwag ka!

Hindi barya-barya lang kung tumaya si mokong dahil daang libo ang dalang kapital!

Omaygad!

Saang kamay naman ng Diyos kukunin ang ganyan kalaking perang pangsugal?!

‘Yun na nga!

BI Commissioner Bong Morente, hindi ko muna papangalanan ang nasabing IO pero kung interesado po kayong malaman kung sino siya, isang tawag lang po sa inyong lingkod ay ating ibubuyangyang ang complete identity nito, sir!

Walang labis, walang kulang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *