Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Santa Claus
Coco Martin Santa Claus

Coco Martin, bagong Santa Claus ng showbiz

MARAMI ang humahanga kay Coco Martin. Muli kasi niyang binuhay ang mundo ng action sa pamamagitan ng kanyang teleseryeng napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN at ang entry niya sa Metro Manila Film Festival 2017, ang Ang Pandayna mapapanood na sa December 25.

Halos wala na kasing nagpo-prodyus ng action movies simula noong nagkaroon ng mga pekeng CD. Sino pa ng aba ang magpo-prodyus ng mga pelikulang aksiyon kung bago ipalabas sa mga sinehan ay nauuna pang lumabas sa mga bangketa.

Mabuti at malakas ang loob ni Coco, nilabanan ang mga sindikatong kumokopya ng pelikula. Kung hindi kay Coco, baka wala ng aksiyon-drama sa telebisyon dahil na-invade na ng mga kabaklaang istorya.

Ang iba namang palabas sa TV ay walang kalatoy-latoy na halos simula pa lamang ay alam mo na ang kahihinatnan ng istorya..

Nagbubunyi rin ang mga dating artista na ngayon ay napapanood muli sa pamamagitan ng teleserye ni Coco. Gayundin ang mga stuntman na naging masigla muli ang mga karera.

Dahil dito, si Coco ang itinuturing nilang makabagong Santa Claus.

 

MAINE, HINDI
PLASTIKADA

MAY mga nagkokomento na nalulunod sa kasikatan si Maine Mendoza. Hindi raw nito alam kung paano haharapin ang mga imposibleng kahilingan ng fans.

Hindi kasi sanay si Maine na magkunwari lalo’t isang katangian ng dalagang Bilakenya ang maging tapat sa  kapwa.

Relihiyosa ang  pamilya ng mga Mendoza sa Bulakan, lalo na ang tiyahin niyang naging Gobernadora ng Bulakan, si Kgg. Josie Dela Cruz.

Ayaw magsinungaling ni  Maine kaya nagsabi ng totoo sa tunay na relasyon nila ni Alden Richards. Ang problema, nakalimutan ni Maine na nasa daigdig siya ng kaplastikan, ang showbiz.

Dapat niyang malaman na walang nagsasabi ng totoo sa mga artista. Ang dapat malaman ni Maine  na ang mundong kanyang ginagalawan ay puro pagkukunwari. Dapat maging mahinahon siya.

Dapat din niyang tandaan na kung hindi sa mga tagahanga, wala siya sa kinalalagyan niya ngayon.

BOOBAY, BINIGYAN
NG TV ANG ISANG
TAGA-BAGUIO

MARAMI ang pumupuri sa komedyanteng si Boobay na discovery ni Ate Gay sa isang comedy bar sa Baguio City.

Noong mag-guest si Boobay sa Celebrity Bluff, nalaman niyang mahirap lang ang isang contestant na wala man lamang television sa bahay nila sa Mindanao. Kaya namana ng ginawa nito,  binigyan niya ng perang pambili ng TV.

Ganoon pala kalambot ang puso ni Boobay sa mga mahihirap.

No wonder, super pagmamahal naman ang bigay sa kanya ni Marian Rivera buhat  nooong magkasama sila. Nagustuhan ni Marian ang pagiging mabuting tao ni Boobay.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …