Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pagtaas ng salary grades ng BI employees napapanahon

NOONG nakaraang buwan ay isang signature campaign ang inilunsad ng grupo ng mga tinaguriang BI-OT crusaders na ang layunin ay tutukang mabuti ang kahihinatnan ng pag-amyenda sa bagong Immigration Law.

Sa pangunguna ng ilang opisyal ng Bureau of Immigration (BI), ilang libong lagda mula sa iba’t ibang sangay ng kagawaran ang kinalap u­pang maipakita sa Kongreso ang totoong hinaing ng mga empleyado na ibalik ang kanilang overtime pay.

Kabilang kasi sa bagong batas ang estandarisasyon ng salary grades ng organic employees.

Ito rin ang magiging ‘pantakip’ umano sa nawalang overtime kung sakaling habambuhay nang mawawala ang naturang benepisyo.

Tila naging makabuluhan naman ang nasa­bing aksiyon, dahil umugong sa lahat ng haligi ng BI main office na kinatigan ng ilang mambubutas ‘este mambabatas na madaliin ang pag-amyen­da sa bagong batas.

Kinakailangan na lamang maipasa sa Senado ang bagong bill na inihain sa Kamara bago ito pirmahan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Tinatayang hindi matatapos ang taong 2019 ay magkakaroon na ng bagong Immigration Law na talaga namang nahuli nang todo kung ikokom­para sa mga ipinatutupad na batas ng mga karatig bansa.

Sa ganang atin, sa panahong ito ay dapat maingat ang buong ahensiya sa pagtupad sa kanilang tungkulin upang suportahan ng Kongreso ang panukalang batas.

Sabagay mukha namang nagkakasundo sa kanilang roles sina Commissioners Jaime Morente, Toby Javier at Aimee Torrefranca-Neri.

Nanahimik na rin ang ilang pasaway or “feeling good guys” sa BI kaya harmonious na ang relasyon sa pagtatrabaho ng bawat isa.

Sana naman ay hindi na magkaroon ng aber­ya upang maibsan na ang paghihirap na dinaranas ng mga kawani sa pagkawala ng OT na matagal din naman nilang tinamasa.

Let us all hope and pray that there were no more “joke-joke” this time!

RICHARD ‘shabu’ CHEN
HINDI
NAKALUSOT SA CIA

AGAD daw natunugan ang ‘pagpuga’ ng isa sa mga sangkot sa P6.4-B shabu scandal na si Chinese businessman Chen Ju Long na mas kilala sa pangalang Richard Tan at Ri­chard Chen.

Nito lang nakaraang Huwebes, nasakote ang nasabing Tsinoy matapos matunugan ang tangka niyang pag-alis sa bansa sa pamamagitan ng Clark International Airport (CIA).

Sasakay ng China Eastern Airlines flight #5046 patungong Shanghai, China si Chen nang pigilan ng ilang opisyal ng CIA Ports Operations Division!

Good job, guys!

Kung nagkataong nakalusot ‘yan, siguradong ‘tok-pu’ na naman ito sa pagmumukha ng BI officials!

Talagang sensitibo ngayon na magkaroon ng ‘batik’ o masamang issue at lumabas ang balita tungkol sa Bureau.

Lalo pa nga at puspusan ngayon ang ginagawang paghahanda upang makahanap ng simpatiya ang ahensiya galing sa mga petmalu  ‘este magagaling nating mambabatas!

Salamat at naging alerto ang Immigration officers sa CIA at hindi nagpasilaw sa mga ‘offer’ na maaaring ibigay ni Chen Ju Long a.k.a. Richard Tan or Richard Chen!

Bayan muna bago sariling bulsa siyempre!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *